#46- NEW FOUND LOVE?!

8 1 0
                                    

Minsan mapapa-isip ka nalang talaga kung ano ba ang mali sa'yo o sa paniniwala mo.

Binuksan ko ang laptop ko at pumunta sa sarili kong blog. Siguro nga kaya wala akong oras para sa blog ni Henry ay dahil may sarili din akong blog, hindi nga lang sing-usap usapan gaya ng kanya. Sapat nang walang nakaka-alam sa mga kaklase ko tungkol sa blog na ito kesa araw-araw nila akong intrigahin tungkol sa laman nito.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko at handa ng tumipa ng kung ano mang lalabas sa isip ko.

Tatlumpong minuto ang lumipas pero wala akong maisulat--- natatanga ako.

Pagkatapos nga ba ng korning good bye, ano nang isusunod ko?

Fictionated; reality based pala ah!

Dahil reality based, wala pa rin akong ma-i-type. Ano na nga bang balita kay Rodney matapos ang mahigit anim na buwan?

Para masagot ang tanong ko nag-exit ako sa blog ko at pumunta sa facebook. Nag-sign up ako at in-add ang lahat ng kakilala ko ngayong college at noong high school.

Lahat na ng alam kong pwede niyang gamiting username ay na-i-search ko na pero kamalas-malasang hindi ko siya makita.

Pinalipas ko pa ang ilang oras hanggang sa lumabas siya sa people you may know part ng facebook.

RM Lover

Seriously?! Nagawa ko pang matawa ng makita ang user name niya.

Add as friend
Message

Pinindot ko ang Add as friend, saka ako nagkalkal sa profile niya.

Ganun pa rin ang hitsura niya base sa photos niya. Kaso wala siyang masyadong picture, puro last year pa yun at ultimo yung profile picture niya ay picture pa niya nung mga bandang first month of college, in short totoy na totoy pa.

Ilang minuto pa akong nag ala-stalker, pero wala rin akong masyadong napala.

Nag-log out ako at bumalik sa blog ko at sinimulang mag-tipa.

Kinabukasan..

Palabas na ko ng bahay ng maalala ko ang cellphone kong naiwan sa kwarto. Tumakbo pa tuloy ako pabalik. Pag tingin ko sa screen ay may anim na missed calls.

Napataas ang kilay ko bago ko tinignan kung kanino galing.

Henry 3
Patchot 1
Nikki 2

Ano ba 'to? May emergency? Number ni Henry ang una kong tinawagan habang nag-aantay ako ng tricycle.

Hello? Sorry hindi ko nasagot yung tawag mo. Paliwanag ko.

Nasaan ka na?

Paalis palang ng bahay

What? Patapos na ang exam niyo!

Agad nagtakbuhan ang mga daga sa puso ko.

It can't be. Hindi ko alam na may changes of schedule! Inis na sabi ko.

Napabuntong hininga siya.

Bilisan mo nalang tutulungan kitang humingi ng special exam.

Shit. Sige-sige salamat.

Nanginginig ang kamay kong pinindot ang end button saka mabilis na sumakay sa napara kong tricycle. Deretso na kong nagpahatid sa campus namin para less hussle na.

Tinawagan ko ulit si Henry para sabihing nasa campus na ko.

Para akong hihimatayin bawat segundong lumilipas at wala pa si Henry. Pakshet na yan! Hapon pa ang sched ng exam ko na yun bakit biglang naging umaga?!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon