The most awaited day is already came. Kumakain lang ako sa sala habang nagpapatay ng oras. Six pm ang JS Prom namin at kasalukuyang alas-diyes palang ng umaga.
Im so eggzoited!
Tinignan ko ang naka-hanger na black cocktail dress ko na binili namin ni Ate Chinny nung wednesday, na titernuhan ko ng pulang three inches pumps.
Nilalantakan ko lang ang chicken sandwich ko ng magring ang cellphone ko.
Rodney calling..
Hello? Nakangiting bungad ko.
Susunduin kita ng five-thirty.
Uhm sige
Sige. Kumain ka huh. I love you
Opo. Ikaw rin. I love you too.
Yun lang at ibinaba na niya ang tawag.
Nakangiti lang akong parang timang, matapos kumain ay umakyat ako sa kwarto para subukang matulog.
Kaso dahil sa kakaibang excitement ay hindi ako nakatulog.
Two-thirty matapos maglunch ay naligo na rin ako. Nagtootbrush at nagmumog ng ilang litrong mouthwash.
Tinuyo ko sa electricfan ang buhok ko. Ako lang din ang mag-aayos sa sarili ko dahil mas gamay ko ang gusto kong hitsura. Liquid eyeliner, black, navy blue and dark gray ang eye shadow ko na nagresulta para magmukhang smokey ang mata ko.
Naglagay rin ako ng maskara at eyeliner sa lower eye-lid ko at red lipstick. Im not a fan of blush ons. Ikinulot ko ang nakaponytail kong buhok. Inayos ko sa purse ang lipstick, eyeliner at compact mirror saka ang cellphone at pera ko.Pinampaligo ko sa katawan at damit ko ang pabango. Good thing rin na bumagay ang kwintas at sing-sing ko sa dress ko.
Hinihintay ko nalang sa tapat ng electricfan si Rodney bago ako magsapatos.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang motor ni Rodney kaya nagsapatos na ako at saka siya pinagbuksan ng gate.
"Wow!" Bungad niya.
Natawa lang ako ng mahina at ipinarada na niya ang motor niya sa garahe.
He's wearing a black slacks, white v-neck shirt for the inner at black suit which makes him look hot!
As in! I mean, never kang magpapantasya ng 16 year old, pero kung ganito kagwapo, ganito kaganda ang katawan at.. At..
Shit! Kinikilig ako!!!
"Tara?" He asked at inilahad ang kamay sa harap ko.
Bumalik ako sa loob para patayin ang main switch ng kuryente at inilock ko na ang gate saka inilagay sa purse ang susi.
Magkaholding hands kaming nag-abang ng tricycle.
"Ang bango" bulong niya at dinampian ng halik ang sentido ko.
Tumawa lang ako at kumapit ng mahigpit sa braso niya.
"Ba't ang gwapo mo?!" Kinikilig na sabi ko habang nakapila kami papasok ng gate.
Tumawa lang siya at pinagsiklop ang mga daliri namin.
"Hi Allen!" Nakangiting bati sakin ni Ailene.
"Ailene!" Nakangiting bati ko at nagbeso kami.
"You two look perfect tonight!" Puri niya pa.
Tumawa ako "perfect talaga pag magkasama kami"
Nag-apir pa kami at nagtawanan.
Pagkapasok ay hinanap namin ang perspective table naming barkada.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Подростковая литератураLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015