Sabi nila kapag guilty ka nagiging defensive ka.
Hindi ako makapag-focus sa ginagawa kong module dahil sa kakaisip ng sinabi ni Gab.
Ako? Magaling umarte? Siguro nga..
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tinuloy ang pagtatype sa laptop ko. Ilang linggo na rin akong hindi nagbubukas ng facebook, wala naman akong gagawin dun eh.
Napangiwi ako at tinignan ang hand-outs ko saka nagtype ulit.
Nang mabagot ay bumaba ako bitbit ang laptop ko saka tumambay sa sala. Weekend ngayon at kakatapos lang ng intrams kahapon. Hindi rin kami masyadong nakapagsama ni Henry dahil sinamantala niya ang linggong iyon para gumawa ng mga written reports niya at kung ano-ano pa.
"Natulala ka na dyan" rinig kong saway sakin ni Manang kaya napakurap ako.
Isinave ko sa flash drive ang ginagawa kong module saka pinatay ang laptop ko.
"May ginagawa po ba kayo?" Tanong ko kay Manang at uminom doon sa dala niyang juice.
"Wala naman, may kailangan ka ba?" Nakangiting tanong niya.
Ibinaba ko ang baso saka umiling.
"Kwentuhan niyo naman po ako" nakangiting sabi ko.
Umupo siya sa single sofa na nasa kaliwa ko.
Ngumiti siya sa akin "aba'y ano ba ang gusto mong malaman?" Tanong niya.
Napaisip ako "paano niyo po ba nakilala ang asawa niyo?" Nakangiting tanong ko.
Napangiti siya na animoy hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya.
"Yun ba? Nakilala ko ang Lolo Minyong mo noong bagong salta ako sa Maynila" nakangiting panimula niya.
Mataman naman akong nakikinig sa sasabihin niya.
"Noong mamatay kasi ang magulang ko ay kinailangan na naming itaguyod ang mga sarili namin."
Napangiti ako habang pinapanood si Manang na magbalik tanaw.
"Sumama ako noon sa mga pinsan kong may pwesto sa divisoria. Nagtitinda sila noon ng tela na sila rin ang nagtatahi. Naging mananahi nila ako at kalaunan sakin na sila kumukuha ng ititinda nila. Doon rin ako tumira sa bahay nila. Madalas ko noong nakikita si Minyong, tahimik at talaga namang napakagwapo, ang kaso eh, masungit" tumawa pa siya ng mahina.
"Kinakausap ko na ay ayaw pang mag-salita"
Unti-unting na-aantig ang puso ko sa kwento ni Manang. Bakit pakiramdam ko si Rodney ang ikinukwento niya at hindi si Lolo Minyong?
"Napaka-suplado palibhasay may lahing kastila. Mestiso rin siya kaya naman talagang nagustuhan ko rin siya noon kahit pa ganoon nga na masungit siya"
Nagustuhan ko rin si Rodney kahit na parang forbidden yun..
"Noong una ay napansin kong madalas siya sa may banda sa bahay namin samantalang sa kabilang eskinita ang bahay nila"
Iisa rin ang dinadaanan namin ni Rodney kahit ang totoo may daan naman mula sa kanila na hindi na kailangang dumaan sa dinadaanan ko.
"Madalas siyang nakatanaw noon sa bahay. Akala ko nga dati ay magnanakaw siya" natawa pa si Manang at natawa rin ako.
Ako nga rin ho eh, stalker ko pa yung mokong na yun!
"Yun pala ay ako ang sinisilip niya. Hanggang sa pwesto namin sa divisoria eh nakaka-abot siya mapuntahan lamang ako"
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
JugendliteraturLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015