#51- LET ME BE THE ONE

8 1 0
                                    

Palayain mo ang sarili mo mula sa sakit. Kaya ito inaayos ko ang pagkakalagay ng laptop sa bag ko bago pumasok. Anong connect? Wala naman.

After ng kwentuhan namin ni Manang ay parang nabuhay ang pinapatay kong pag-asa. Ewan ko ba, imortal yata yung pag-asa na yun. Hanggang ngayon, busy pa rin si Henry sa kung ano-anong requirements nila, ganoon din naman ako pero sige mag-papaka immature nalang ako at ito ang nakita kong butas ng relasyon namin, kunyari nalang clingy ako. Tipong I can't let the day passed without you pero sa araw-araw na paghihintay ko para mag-ka-oras ka sakin ay binibigo mo ko..

Ang drama lang pero yun talaga yung nasa isip ko eh. Desido na ko. Buong-buo na ang desisyon ko na makikipaghiwalay na ako kay Henry sa araw na ito.

Lunch break ng makita ko siya sa mini forest kaya nilapitan ko na siya.

"Dad" pilit ngiting tawag ko sa kanya.

"Finally" nakangiting sabi niya na animoy sabik na sabik na makita ako.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Handa na akong magsalita ng magtama ang paningin namin. Nanghina ako.

"Namiss kita" wala sa sariling nasabi ko at nakita ko ang malungkot na mga mata niya.

"Namiss din kita" he said at niyakap ulit ako.

Niyakap ko rin siya. Natatakot ako na masaktan siya ang yet nagi-guilty na rin ako sa ginagawa ko.

Siguro nga true love never fades. Dahil sa halos isang taon na panliligaw sakin ni Henry at sa halos tatlong bwan na relasyon namin ay hindi niya nagawang agawin ang puso ko mula sa tunay na nag-mamay-ari nito.

"Ano? Makikipag break ka sa monthsary niyo o magsasabi ka na ngayon?!" Si Nikki habang nakatambay kami sa labas ng hostel.

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng huli kong nakita si Henry. Next week ay third monthsary na namin.

"Naaawa na ko sa kanya Niks" malungkot na sabi ko habang pinapanood magkutkutan ang mga daliri ko.

"Maski ako. Naging unfair ka, En." Pangaral pa niya.

Napanguso ako "maniwala ka Niks, I tried hard to fall for him kaso. Wala eh"

"Naniniwala naman ako sayo na sinubukan mo talaga" she said at hinawakan ang kamay ko.

Napakunot ang noo ko sa pag-iisip.

"Sana lang kung gaano ka naging matapang nung sinagot mo siya at sinubukan mong kalimutan si R, sana maging matapang ka rin para saktan si H at harapin ang katotohanang hindi mo pa nakakalimutan si R" she said habang pinapalo paitaas ang palad ko.

"Ang hirap pakshet na yan!" Inis na sabi ko at tinanaw ang swimming pool sa harap namin.

"Ikaw eh!" Paninisi niya.

Naigilid ko ang nguso ko saka tumayo.

"Tara, sa fourth floor pa klase natin" pag-aaya ko.

Tumayo naman din siya at pinagpag ang palda ng dress niya.

"Pag nakipaghiwalay ako... Ano naman kayang valid reason ang ibibigay ko?" Wala sa sariling naitanong ko habang pinagmamasdan ang rubber shoes ko.

"Just be honest" seryosong sagot niya at kumapit sa braso ko.

Inayos ko ng pabaliktad ang suot kong ball cap saka ibinulsa ang dalawa kong kamay at tahimik kaming naglakad papasok sa afternoon class namin.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon