CRIME SCENE

270 9 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Unang pumasok si Sgt. Gaspar Tupaz at Sgt. Gregorio. Nasa labas ang ilang mga pulis na nag-kordon sa buong lugar upang hindi mapakialaman ng sinuman ang mga piraso ng ebidensiya na nasa loob. Hindi sila puwedeng pumasok sa loob hangga't hindi nakukuha ng mga pulis lahat ng mahahalagang piraso ng ebidensiya na kailangan nila sa imbestigasyon . Kailangan nila ng mabusising pag-aanalisa sa kung ano ang nangyari bago maganap ang krimen sa loob ng kabahayan.



Sa labas ng bakuran, kitang kita ang daan ng madaming motorsiklo sa damuhan. Maging ang mga bato ay natanggal sa dati nitong puwesto. Madaming paso ang nabasag. Nasira ang mga halaman sa buong bakuran kaya nawala ang dating ganda nito.



Pagpasok sa loob, basag-basag ang mga antigong pigurin na mahal ang pagkakabili sa ibang bansa. Butas ang telebisyon sa tama ng bala. Nahulog ang ibang mga painting dahil mukhang pinagpraktisang tamaan ito ng bala ng baril.



Pinulot ng Ballistic expert ang mga basyo ng bala sa pamamagitan ng forcep. Nandoon din ang Forensic technician na kukuha ng mga larawan sa lahat ng anggulo sa loob ng sala. Mas kahindik –hindik at kalunus-luno ang kanilang natagpuan sa loob ng kuwarto ni Danica.



Dalawang hubad na katawan ang nakita sa loob. Parehong nakadapa at may malaking ekis sa likuran nito, naliligo sa kanilang sariling dugo. Pulang pula ang comforter na puti dahil sa dugo mula sa katawan ni Danica. Samantala, nakahandusay sa kanang bahagi ang katawan ni Angel. May malaking ekis din siya sa likod mula sa hiwa ng kutsilyo, mula balikat hanggang sa pigi. Habang ang walang buhay na katawan ng kanilang mga magulang ay malapit sa pinto, nakaluhod habang nakagapos ang kanilang mga kamay sa likod, nakatali ang mga bibig at batay sa autopsy ng kanilang mga katawan, inatake silang pareho sa puso.



Hindi marahil kinaya ang nakikitang kahayupang ginagawa sa kanilang mga anak.



Walang nawala sa mga gamit. Kaya ibig sabihin, hindi nagpunta doon ang mga suspek upang magnakaw.



Sa pagsusuring ginawa sa katawan nina Danica at Angel, parehong nagsagawa ng vaginal swabbing. Dalawang klase ng semilya ang nakita sa puwerta ni Danica. Sariwa ang sugat niya ngunit hindi dahil sa rape . Maaaring ilang araw bago ang rape ay may nangyari sa dalaga. Iyon ang hinuha ng obygyne. Samantala sa pag-aanalisa naman ng semilya na nakuha kay Angel, apat na iba't ibang uri ng semilya ang nakuha dito. Parehong may pasa ang mga pulsuhan at sa bahaging paa ng dalawa na maaaring hinawakan ang mga ito habang ginagahasa sila. May mga kagat din ang kanilang mga dibdib, palibhasa'y may kalusugan ang mga ito. Ang pinakamasaklap, pinutol ang kanilang mga utong, kinalbo ang buhok at mukhang pinanggigilan . Ginawang ashtray ang nilang mga katawan sa paso at parang talong na madaming tusok ng kutsilyo ang bawat bahagi ng katawan na para bang handa ng ihawin sa baga. Pinanggigilang suntukin ang mukha ni Danica, namamaga ang mukha nito sa pasa at putok ang kanyang labi.



Inikot ng SOCO ang bawat sulok ng kuwarto. Kinuha ang mga ebidensiya hangga't mayroong makikita.



Ngunit walang nangyari.



Maging ang salaysay ng kanilang butler at maging ni Madame Whitney ay hindi pinaniwalaan sa korte dahil mariing pinabulaanan ang mga paratang sa kanila. Labindalawang binata laban sa salaysay ng dalawang katulong at ang naghihintay na magising , si Danica upang patunayan ang lahat.



Kung kailan siya gigising ay walang nakakaalam.



Kung masasabi niya ang lahat ng nangyari, baka puwede pa ngunit bago pa sila panigan ng korte at makamit ang hustisya mukhang aabutin sila ng ilang dekada. Saglit lang ang paglilitis, lahat ng ebidensiya ay unti-unting naglahong parang bula. Tila may News Black Out tungkol sa labindalawang binata na pawang anak ng mga maimpluwensiyang tao sa lipunan.



Lahat at nakalabas patungong ibang bansa bago pa maibaba ang hold order sa kanila ng Immigration. Wala namang kautusang ibinaba ang korte upang mapabalik sila dahil lahat ay nababayaran.



Malabong makamit ang hustisya. Maaaring naghihintay ng tamang panahon


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon