NIGHT WITH SIMEON

107 4 0
                                    

AVA'S POV



Nakita ko na naman si Mira. Sa pagkakatanda ko, patay na patay siya kay Lee. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Ah, siya na daw ang asawa ni Sgt. Mike Gregorio pero hindi ko alam kung kasal sila o nagsasama lang. Basta, balita ko ay sa Crime Lab siya nagtatrabaho. Mabuti na lang pala at SWAT ang pinili. Kung hindi, makakasama ko siya doon. Hindi ko alam kumbakit mabigat ang loob ko sa kanya.



Nagsimulang pumunta si Simeon sa bahay. Mabuti at naalimpungatan ako sa vibration ng cellphone ko. Nasa gate daw siya. Nakatulugan ko pala ang panunuod ng telebisyon. Bandang alasdose na ng gabi.



"Hmm, bakit kaya? Hi, Simeon, pasensiya na. Kagigising ko lang." Sinalubong niya ako ng halik at niyakap niya ako s beywang.


"Naistorbo ba kita, Babe? Pasensiya na." Naka-black jacket siya at nag-cap. Mukhang sa operation siya galing.


"Nakatulugan ko nga ang pinanunood ko. Halika. Tuloy ka!" Sinundan niya ako papasok ng bahay. Wala na ang bakas ng insidente ng pamamaril sa loob ng bahay. Salamin pa rin ang ipinalit dito dahil iyon ay sa kagustuhan na rin ng may-ari nito. Mas doble ingat ako ngayon. Hindi naman ako pinaalis ng aking landlady. Kung talagang gusto kong tumira doon eh okay lang. Sana ay maging ligtas pa rin daw ako sa bahay na iyon sa ikalawang pagkakataon.


"You want coffee."


"Yes, please...." Habang natitimpla ako ng kape sa mesa ay nilapitan niya ako sa likuran at mahigpit na niyakap sa aking beywang. Hinalikan niya ako sa bandang leeg. Hinawi niya ang aking buhok.


"Hmmm, bakit?"


"Wala lang. Gusto ko lang mawala ang pagod ko." Yakap lang daw ay okay na pero nagiging malikot na ang kanyang kamay. Hinalikan niya ako sa tenga at nakiliti naman ako. Gumapang pababa ang labi niya at kinilabutan ako. OMG! Grrrr! Tamang tamang hinahalo ko na ang kape. Bigla niya akong pinaharap at sinisid ng halik. Para akong estatwa. Ingat na ingat na huwag matapon ang kape.


"Simeon , ano ba?" Hinawakan ko ang kape at iniabot sa kanya.


"Ava..." Hindi pa rin niya ako binitiwan. Kinarga niya ako at ipinatong sa mesa.


"Mag-behave ka kung gusto mong makabalik dito...O pauuwiin kita ngayon at bukas break na tayo." First time na nangyari iyon at break up kaagad ang nasabi ko. Para lang maalarama siya. Ibang klaseng raid ang ipinunta dito ni Simeon. Itinaas niya ang kamay niya at may gana pang magpatawa habang kumukuyakoy ako para mawala ang aking kaba.


"Hay naku, akala ko pa naman..."


"Ah ganoon... Hindi porke't engage na tayo at sasamantalahin mo ang pagkakataon. Huwag mong sabihing may anak na ako..."


"Psst! Don't say it. Sorry na...Na-miss lang kita buong maghapon. Hindi mo kasi tinanggap ang tawag ko."


"Busy kasi ako kanina sa opisina."


"Tawagan mo naman ako minsan. Dati isang ring pa lang sinasagot mo kaagad pero ngayon, halos makailang miscol ako sa iyo."


"Nagtampo ka naman kaagad.Na-miss din naman kita! Anong akala mo sa akin?" Matapos niya higupin ang kape ay kinarga niya ako at nagpunta kami sa sala. Pinaupo niya ako sa kandungan niya.


"Pa-kiss naman ako." Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at muli niyang hinagilap ang aking labi. "Ava, I love you so much. I can't wait til we get married."


"Let's wait until I am ready."


"Natatakot ka ba sa akin, Babe. " Ramdam kong nanginginig ang kanyang labi at hinalikan niya ako. Parang kumakain ng ice cream itong si Simeon. Pati dila talagang dumadaan sa labi ko. Ultimo, baba ko kinakagat sa panggigigil. Sinikap kung tumugon sa halik niya at tulad din ni Lee, mukhang nag-init siyang lalo ng maramdaman niyang humalik ako. Ibinaba niya ako sa sopa. Nakahapay ang paa ko sa hita niya at isinandal niya ako. Heto at mabilisan niyang tinanggal ang kanyang jacket at vest. Nakasukbit pa ang kanyang baril sa holster. Busy na nakadikit ang kanyang nguso sa labi ko , at pumuwesto ng mas komportable kaming dalawa.



Aminado ako, nakakapanibago na may ibang hahalik sa akin. Hindi ako sanay. Parang may pandidiri akong nararamdaman. Nakakadumi ng feeling! Patay-malisya lang. Kung phobia ito, dapat matanggal ko na ito dahil baka ito ang pagsimulan nang away namin ni Simeon. Matured people na kami. Hindi na ako teenager para mag-inarte. May anak na ako pero hindi ibig sabihin ay papayag na ako sa gusto niyang mangyari. Isinuksok niya ang kanyang kamay sa loob ng damit ko pero mahigpit ko iyong hinawakan. Bumaba ang bibig niya sa leeg ko at hinalikan ang aking balikat ngunit gusto niyang paglaruan ang utong ko ng daliri niya hanggang sa kagatin niya ang aking damit.



"Simeon, kapag itinuloy mo pa ang paggapang ng kamay mo, pauuwiin na kita."


"Ava naman..."


"Isa..." Pero gumapang pa talaga.


"Dalawa..." Pumuwesto na ang paa ko at tinatanggal na niya ang aking butones.


"Tatlo..." Bigla siyang napahinto. Ibinalik niya ang butones ng damit ko. "Uwi ka na nga..." Itinulak ko siya. "Sa susunod huwag mo akong gawing stress reliever mo ha!" Napayuko siya sa sopa. Tumayo ako para sana buksan ang pinto. "Sorry na..."



Hindi ko siya masisisi. Alam ko ang kahinaan ng mga lalaki. Kay Lee pa lang makikilala ko na siya. Pareho lang sila ng pangangailangan. Nagtabi kami sa sopa. Humiga kami doon at nagkuwentuhan. Niyakap ko siya. Mabait naman talaga si Simeon. Good boy din na tulad ni Lee. Kahit galing sa operation, mabango pa rin siya at hindi amoy pawis. Sinisikap niyang maghilamos muna at magpalit ng bagong damit bago ako puntahan.



"Mag-iingat ka sa operasyon ninyo."


"OO naman. Magiging misis pa kita kaya dapat doble ingat."


"Hay naku, ewan ko. Mukhang ngayon pa lang ibi-break na kita. Malikot ka palang matulog. "


"Sa iyo lang naman ako ganito."


"Siguraduhin mo lang...." Pagbabanta ko pa. Bandang alas tres y medya na siya umalis ng bahay. Binuhat pa niya ako hanggang labas ng bakuran ko.



Hindi ako makapalag kasi baka kami silipin ng mga kapitbahay at pagtsismisan kami.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon