LEE'S POV
Tinawagan ko si Kuya at si Jude. First time na nangyari ito sa mansion. Big deal ba 'yung gusto kong mangyari. Nagulat sila ng magyaya akong mag-inuman sa Club Roman. Kilala ang bar na iyon . Kina Papa at Mama namin nalaman ang lugar na iyon at kahit ang mga kasamahan nilang pulis.
"Sagot ko...Basta punta ka na lang. Doon na tayo makita-kita."
Sabi ko sa kanilang dalawa. Sinabihan kong magpaalam sa mga asawa nila para hindi naman sila out of the kulambo pag-uwi ng kani-kanilang bahay.
Pagkatapos ko silang kausapin, si Eve naman ang tinawagan ko. Nagpaalam ako na hindi muna kami magkikita dahil lalabas kami ni Kuya at Jude.
"Panganay namin si Just Ice at si Jude. Ako ang pangalawa. Yap, I'll just see you tomorrow." ngumiti ako pagbaba ng tawag na iyon.
Iba ang dating ng may pinagpapaalaman ka nga.
"Ingat sa pagda-drive pauwi."
"Bye."
"Bye"
But she will never say the magic word. She is clever.
Nauna akong dumating sa dalawa. Hindi naman masyadong demanding ang trabaho ko sa academy. Iyon ang kaibhan ko sa kanila na nasa presinto talaga. Gone are the days na lagi akong late umuwi at wala akong oras para sa sarili ko.
CLUB ROMAN
Pumili ako ng pinakamainam na puwesto kung saan kami komportableng makakapag-inuman at makakapag-usap ng matagal.
Biglang may pumasok na isang seksing babae na naka-over-all ng black driving suit. Hawak niya ang kanyang black helmet at naka –black gloves pa siya. Naka-boots at nakalugay ang kanyang mahabang buhok na ihinahangin ng hangin papasok ng bar. Fit na fit ang kanyang damit na parang model ng motor o sikat na inumin. Luminga ako sa lugar, baka kasi may shooting at artista lang siya.
Heto na naman ako. Hindi pa lang ako lasing, pakiramdam ko nagha-hallucinate na ako. At bakit naman ako na-magnet sa kanya? Minsan lang akong na-magnetized, kay Danica lang nangyari iyon at sa babaeng kaharap ko ngayon. Never kay Eve kaya somehow she is different. Not a spark has ever lit the flame of love that I once felt before kaya parang walang dating ang relasyon namin.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...