RESPONSIBLE PARENTS

131 3 0
                                    

AVA'S POV



Anim na taon na rin si Leeah kaya nagpasya na rin kaming ipasok siya sa school. Tinawagan ko noon si Lee para sana isangguni sa kanya ang plano ko. Sa bahay namin pinag-uusapan ang mga bagay na may kinalaman kay Leeah dahil wala pang nakakaalam na may anak ako.



"So, saan pala mag-aaral si Leeah?" Habang nasa loob kami ng library.


"Sa Trinity Hig na lang. Pakukuhanin ko siya ng Entrance exam next Tuesday afternoon kasi half day lang ang klase ko." Sinulyapan kong muli ang aking class schedule.


"Sasamahan ko pa ba kayo?" Umiling ako.


"Huwag na lang. I can manage. Susunduin ko na lang siya dito sa mansion. Tapos kung sakaling matatapos ng maaga, puwede pa ba kaming mamasyal?"


"Hindi ba ninyo ako isasama sa pamamasyal?"


"Buong buhay ni Leeah ay nasa iyo na siya kaya bigyan mo naman kami ng pagkakataong magkasama." Sabi ko sa kanya.



Ngunit pagdating ng hapon, nagulat ako ng makita si Lee habang inaalalayan ang kanyang anak pababa ng hagdan.


"Wow! Hi, Leeah..."


"HI, Mommy..."


"How's my girl? Nag-behave ka ba kay Lola? " Luminga-linga ako ngunit wala si Mama. "Nasaan si Mama?"


"Masama ang pakiramdam dahil sa pabagu-bagong panahon." Sabi ni Lee. Umakyat muna ako habang sumunod sina Lee at Leeah sa akin.



Pumasok ako ng kuwarto at nakita kong nakaupo sa tumba-tumba si Mama habang katabing nagbabasa ng magazine si Papa. Nasa terrace sila at nakatanaw sa bakuran.



"O bakit hindi pa kayo umalis para maabutan ninyong bukas ang opisina?" Sinalat ko ang kamay ni Mama Lemuela. Nanibago lang daw siya sa panahon kaya sumama ang kanyang pakiramdam. "Konting pahinga lang ito at okay na ako."


"Lola, get enough rest " At humalik si Leeah sa kanya. Humalik din ako at si Lee.



Tahimik ako sa loob ng kotse. Hindi kasi ako pabor sa paghatid sa amin ni Lee sa school.



"Sana hindi ka na sumama..."


"Saglit lang naman ang exam di ba?"


"Hindi ko alam... Siguro..."


"May dala ka bang pera?"

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon