FB:KILLING ME SOFTLY

131 8 0
                                    

LEE'S POV



Dumating ako sa ICU ng St. Catherine's Hospital ng bandang tanghali. May dala akong bulaklak para kay Danica. Nagmamadali ako, kahit paano ay magaan ang pakiramdam ko. Dumaan muna ako sa St. Gabriel, the Archangel's Church at umusal ng dasal. Nakausap ko rin si Fr. Pio at sinabi sa kanya ang kondisyon ni Danica.



"Danica? Teka, may dalagita din akong nakakausap na kasing problemado mo . I-describe mo nga sa akin ang hitsura niya"


"Mahaba po ang buhok niya, maputing babae, medyo singkit ang mga mata..."


"We'll include her in our prayer. Oh God... "Napayuko si Fr. Pio.



Pero pagdating ko sa ICU, malinis na doon.


"Nurse! Nurse!" Nataranta ako. Hinanap ko kaagad si Mira. Nakita kong umiiyak siya.


"Lee, I am sorry..."


"Anong nangyari? "


"Nagkaroon ng convulsion si Danica? Hindi na niya kinaya..."


"Diyos ko po... "


"Ginawa namin ang lahat, Lee. " Nandoon din ang ilang mga nurse.


"Sir, ito po ang record ni Ms. Danica. " Ipinakita sa akin ang medical chart ni Danica. Nandoon din ang release form na pirmado. Kinuha na ang bangkay ni Danica dahil wala naman akong relasyon sa pasyente. Ang kamag-anak lang ng pasyente ang may karapatan sa katawan. Kahit ako ay walang karapatan kay Danica dahil pamilya ko lang naman ang nakakaalam na may relasyon kami. Hindi pa kami lumalantad kahit nga sa akademya.


Wala akong magawa kahit magwala ako ngayon.



"Sir, huwag po kayong mag-iskandalo dito. Makakaistorbo po kayo sa mga pasyente." Sabi ng isang nurse.


"Hindi mo man lang sinabi sa akin para nakita ko siya sa kahuli-hulihang pagkakataon, Mira. Sinasadya mo ito para lalo akong pasakitan, ganito ba ang gusto mo?" Hinawakan ko sa kuwelyo ng kanyang puting uniporme si Mira sa sobrang sama ng loob ko.


Inawat ako ng ilang nurse habang nasa loob kami ng isang opisina.


Iyak ng iyak si Mira. Akala siguro niya ay mapapasunod niya ako sa kanyang gusto. Ang kamatayan ni Danica ay kamatayan ko rin. Kaya kailangang burahin na rin niya ako sa kanyang alaala.


"AAAAAAHHHHHHHH!"



Kalmado na ako sa loob ng aking kotse. Sumubsob ako sa manibela. Humagulgol ako at humingi ng tulong sa Maykapal.



"Diyos ko, ibinigay po ninyo sa akin ang problemang ito. Tulungan po ninyo akong bumangon. Tulungan po ninyo akong maunawaan ang kalooban ninyo . Liwanagan po ninyo ang aking isipan na gawin ang tama at mabuti. Hindi lang si Danica ang buhay ko. Mayroon akong pamilya. May mga taong nagmamahal sa akin. Diyos ko, huwag po ninyo akong pabayaan. Panatilihin po ninyo akong mapagpatawad sa aking kapwa lalo na kay Mira lalong lalo na sa mga taong lumapastangan sa kanya at sa buo niyang pamilya. Diyos ko, Diyos ko, makakaya ko po ba?


Diyos ko, Diyos ko, kakayanin ko sa banal na awa at tulong ninyo..."



Umiyak ako ng umiyak . Nagmaneho ako pauwi ng bahay. Sinalubong ako ni Mama at Papa. Namumugto din ang mga mata nila. Malamang ay nakarating na rin sa kanila ang balita. At hindi pa nakakauwi si Jazzy.



Nagwala si Jazzy ng malaman ang nangyari. Hindi namin siya mapigilan. Niyakap ko siya. Nag-iyakan kaming dalawa sa sobrang awa kay Danica. Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hindi namin siya nakita. Iyon pa ang isa naming ikinasasama ng loob.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon