FB: CHASING DEATH

112 9 0
                                    

WHITNEY'S POV



Tinulungan kami ng abogado ng pamilya Mayers na maitago si Danica sa Media. Nakita kong delikado ang buhay niya hangga't nasa bansa ang labindalawang kampon ni Satanas. OO, kampon talaga sila ni Satanas dito sa lupa. Hindi ko nga alam kung bakit pinapayagan pa silang gumala-gala dito sa lupa. Madami na silang mapi-perwisyo. Dala na rin ng laganap na bentahan ng droga kaya nasasangkot ang mga kabataan sa kung anu-anong krimen.



Maaari nilang balikan ang aking alaga. Sinikap kong itago ang aking mukha, naglipana pa naman ang CCTV camera kahit saan.



Kailangang sakto at mabilis ang kilos dahil buhay ni Danica ang nakataya dito. Masyadong pribado ang buhay ni Danica. Alam kong ayaw din niyang mabilad sa kahihiyan. Kung walang droga, sa tingin ko ay hindi naman sila lalapastanganin ng ganito at hindi papasukan ng demonyo ang pag-iisip ng tao.



Matagal kong inalagaan si Danica kaya't malaki ang panghihinayang ko sa nangyari sa kanya. Alam kong hindi niya gusto si Kai. Pero masugid niya itong manliligaw at madalas kong makita sa bahay. Kaya hindi rin naglalagi si Danica during weekend sa kanila dahil palagi Villa Lorenzo siya tumutuloy at naiiwan si Angel sa akin. Ayaw niya ng kinukulit siya. Ayaw din niya nag nagkakasarilinan sila ni Kai lalo pa't pinapayagan siyang makapasok sa kuwarto ng dalaga. Hindi ko akalaing hahantong sa panggagahasa ang lahat. Ipinagpasalamat ko sa Diyos ang paggising niya at tuluyan niyang paggaling.



Para siyang pinagmilagruhan ng Diyos dahil tuloy-tuloy na bumuti ang kanyang kalagayan at nakaligtas siya sa kamatayan. Ngunit ang malaki naming ipinagtataka ay lumaki rin ang kanyang tyan. Doon namin nalaman na buntis si Danica ngunit hindi niya ito ipinalaglag. Alam niyang magbubuntis siya .



"Hindi ba si Kai ang ama ng bata?"


"Yaya, hindi po..."


"Huh! Paano nangyari iyon?"


"May nangyari na po sa amin ni Lee ng mga panhong iyon. nang magkaroon ng family outing ang pamilya nila sa batangas doon namin binuo si Baby Leeah.


"Iha... pinahanga mo ako..."


"Nanay, kung si kai man ang tatay niya, kay Lee ko pa rin siya ipagkakatiwala... alam kong lalaki siyang mabait at masunuring bata dahil tama ang pagpapalaki sa kanya."


"Anong plano mo ngayon?"


"Nagkaroon po ako ng panibagong buhay ngayon kaya kailangan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. magpupulis pa rin po ako."


"Sigurado ka ba?"



Humanga ako sa kanya. Hindi niya naisip na pagbuntunan ng sama ng loob ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Kay Lee o kay Kai, bubuhayin niya ang bata. Tama, silang dalawa na lang ang magiging magkakampi. Tumango siya sa akin. Ngunit alam kong may binabalak siya kaya panay ang payo ko sa kanya. Isinasama ko rin siya sa aking mga dasal upang gabayan siya sa kanyang mga gagawing desisyon sa hinaharap.



Hindi nagtagal, sabay ng kanyang pagrecover ay ang panganganak niya. Napuno ng saya ang aming pansamantalang tirahan ng iluwal niya si Leeah Marie. Leeah dahil sa pangalan ni Lee at Marie dahil sa kanyang Lola Lemuela.



"Anak, gusto kong lumaki kang kasing bait ng daddy mo si Lee. Mabuti siyang tao at mahal na mahal niya ako. Alam kong mamahalin ka rin ni Lee. Kapag nakita ka niya, maaalala niya ako. Gusto kong maging kasingtapang ka ni Lola Lemuela. "


"Danica, anong ibig mong sabihin?"


"Dadalhin po natin siya sa mansion. "


"Ha! Paano ka? Puwede naman naming alagaan si Leeah?"


"Madame Whitney , may sarili kayong buhay ni Butler Drexel. Bubuo din kayo ng pamilya. "


"Pero pamilya mo na din kami..."



"Opo, itinuturing ko po kayong pamilya ngunit gusto kong sa mansion lumaki si Leeah. Hindi ako malakas ngayon. Sa ganitong hitsura ko, kayo lang ang tatanggap ng totoong pagkatao ko. Huhusgahan ako ng tao at madumi ang tingin nila sa akin. Ayokong makita ni Leeah sa ganitong katayuan. Sa tingin ko, hindi ito normal sa isang bata... ang lumaki na walang magulang at hindi kompleto. Ayoko... Ayoko!"



Umiyak si Danica . Naiintindihan ko. May mga pagkakataong naiisip din niya ang kanyang mama at papa. At hindi ito ang buhay na nakalakhan niya. Hindi niya gustong ito ang maging buhay nilang mag-ina. Pero alam ko, hindi ako maaaring magkamali... may pinaplano siya.



Makakasagabal si Leeah. At hindi puwedeng madamay ang bata...


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon