FIRST NIGHT

132 6 0
                                    

EVE'S POV



Today is my wedding day. I have the grandest wedding ever. I got all what I dreamt of in a wedding. This is my dream wedding but not with this man. Pareho lang kami ng nararamdaman. Kung may choice lang ako, kay Kai sana ako sumama at hindi sa kanya. Kailangan naming pagtiisan ang isa't isa.



Minsan na niyang nabanggit ang pangalang Danica ng subukan naming magtalik sa clinic. Nakasubsob siya sa dibdib ko ng banggitin ang pangalang iyon. At gumawa pa siya ng eksena ng halos marinig ng maraming tao na nagkamali pa siya ng pangalang binanggit hang isusuot ang singsing sa daliri ko.



Abut-abot ang pagkadismaya ko sa kanya. Napapahiya ako sa mga kapwa ko doktora.



"Sigurado ka ba sa lalaking pakakasalan mo."


"Matino naman siya dahil galing siya sa lahi ng matitinong pulis. Takot lang niya sa tatay niya."


"Babaero ang mga iyan."


"Naku, saglit lang 'yan... " Pareho lang naman kami eh. Magkakahulihan kami ng mga ugali namin pag nagsama na kami. Ganoon talaga ang katotohanan. Pero hindi pa lang kami kasal, alam kong balewala na ako sa kanya. The feeling is mutual at hindi ako apektado.



Binati ako ng mga kasamahan ko.



"Grabe, ampogi naman pala ng mapapangasawa mo doktora. "


"Huwag mong pakakawalan at baka madami ang pumila sa kanya kahit dalaga"



Exactly, alam kong may something sila ni Ava. But I don't care now as long as sa akin siya uuwi. Sa akin siya.



Ako lang ang umikot sa mga bisita namin para pasalamatan sila dahil nahilo siya sa reception at nagsuka dahil kulang yata siya sa tulog. Excited sana siya mamaya. Wala siyang ginawa kundi makipagkuwentuhan sa kanyang mga estudyante at kasamahang pulis pagkatapos niyang mahimasmasan.



Nakipag-inuman siya ng sobra –sobra kaya pagdating sa bridal car ay tinulugan niya ako sa loob ng kotse hanggang sa marating namin ang hotel.



Nakakabad-trip talaga!



Nananadya talaga ang kumag na ito! Grrrrr!



Wala siyang magagawa. Forever na kaming magkakasama.



Binigyan kami nina Mommy at Daddy ng trip to Europe. Isang linggo din iyon. But ofcourse, we will spend atleast two weeks para sulitin ang aming bakasyon bago kami bumalik sa sari-sarili naming trabaho.



Pagpasok sa loob ng condo unit , hindi na ako nakapagpigil. HInambalos ko siya ng hawak kong clutch bag para matauhan siya.



"Aray! Ano ba?"



"Kanina pa akong pikon na pikon sa pinaggagagawa mo ha! Sumusobra kana. Lantaran mo akong iniiwan, ipinapahiya at talagang nagkamali ka pa ng banggit ng pangalan ko. Sino ba ang punyetang babae na 'yan? Danica... Tapos may Ava ka pa na hindi ka maka-moved on. LETSE KA! Akala mo kung sino ka. Pareho lang tayo, Akala mo, gusto ko ito. Akala mo gustong gusto kita. Kung hindi lang dahil sa magandang katayuan ng pamilya mo dahil kilalang kilala sila, hindi ka kagigiliwan ng magulang ko."


"Exactly, that's the point pero kung ano man ang plano nila o balak mo for keeping me, ngayon palang binabalaan na kita. Hindi ninyo magagamit ang aking pamilya. Hindi ikaw ang makakasira sa reputasyon na matagal na iningatan ng aking mga magulang."


"AAAAHHHHHH! DAMN YOU! Ginamit mo ako!" Sinampal ko siya pero sinalag niya ang aking kamay.


"SHUT UP....GINAMIT MO DIN AKO! AKALA MO KUNG SINO KANG MABAIT...NAKITA KO NA ANG TOTOO MONG KULAY!" Tinanggal na niya ang kanyang tuxedo at nagtungo siya sa kusina. Nagtimpla siya ng kape at naupo.


"Lee....puwede naman tayong magsimula tulad ng una tayong nagkakilala, remember." Hinalikan ko siya. Hindi puwedeng mauwi sa away ang unang gabi namin. Napakatanga ko talaga! Hindi na naman ako nag-isip.



Tama , hindi lang naman siya ... kailangan namin ng konting espasyo, nang sapat na panahon upang mas makilala ang isa't isa. Susubukan ko pero hindi ko ipinangangakong magiging good boy ako sa kanya.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon