SIMEON'S POV
Gusto kong sorpresahin si Ava. Ayoko nang patagalin pa ang pamamanhikan sa kanila. Sa wakas ay graduate na siya. Mahirap nang maunahan ako ng mga pulis na makakakita sa kanya sa presinto. Mas matinik sila sa akin at baka masilat pa si Ava.
Kapag nasa totoong trabaho na si Ava tiyak na mawawalan na siya ng oras sa akin. Atleast kapag may kasunduan na kami, magiging kampante ako.
"Ava... pakasal na tayo."
"Simeon, hindi pa ako handa. Kaga-graduate ko pa lang. Atsaka nakakahiya kina Mama at Papa."
"Ano ka ba ? Kilala ko sina Ninong Justice at Ninang Lemuela. Mabubuti silang tao. Kita mo, kinupkop ka nila kahit ipinaampon mo sa kanila ang anak mo. Inangkin ka nilang parang tunay na anak. Handa kong panindigan si Leeah. Handa akong maging ama para sa kanya. Handa akong maging asawa para sa iyo."
"Simeon..."
"Mahal na mahal kita...."
Nakita ko kay Ava ang takot habang papasok kami ng mansion. Seryoso ang usapan nila ni Lee kanina. Hindi ko naririnig pero tila nagmamakaawa si Lee kay Ava. Hindi ko ipapaubaya sa kanya si Ava. Hindi.
"Mama, Papa... good evening po."
"Mabuti naman at nandito ka na." Nagmano din siya kina Papa at Mama. Niyakap pa siya ni Papa.
"Ava... Kumusta na? "
"Good evening , Sir. Good evening po , Ma'am"
"Good evening Iha." sabi ni Mama.
Naupo kami at kina Ninang at Ninong umupo si Ava pero niyaya ko siya na umupo sa tabi ko. Tumingin muna siya kina Ninang at Ninong na parang nagpapaalam saka ako nilapitan.
"Mama, Papa... Ninong, Ninang, gusto po sana naming ipaalam sa inyo na matagal na po kaming may relasyon ni Ava."
"Mama, Papa, but as you see, we really do not go on dates like that sort dahil talagang gusto ko munang mag-concentrate sa pag-aaral. "
"Nang huli po akong nagpunta dito sa inyo ay nagkasundo na kami ni Ava..." Naningkit ang mata ng aking mahal, parang hindi niya matumbok ang gusto kong sabihin.
Tinubuan na naman ako ng kaba. Hindi ako halos makahinga ng maayos at grabe ang tibok ng aking puso. Hinugot ko ang singsing na kanina pang nasa loob ng aking bulsa. Pikit-mata akong lumuhod sa harap nila at sa harap ni Ava.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Misterio / SuspensoHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...