RED ALERT

108 4 0
                                    

AVA'S POV



Kinabukasan , maaga akong pumasok sa opisina. Hindi umiimik sina Jino at Jhopet. May meeting daw kami kay Senior/ Inspector Lorenzo ng bandang alas diyes ng umaga. Inayos ko ang aking mesa ng biglang dumating si Gaspar.



"Buti naman at pumasok ka na, PO1 Osborne."


"Sorry Sir kasi sumama ang pakiramdam ko kahapon kaya hindi na ako nakapasok."


"Nakita mo ba? May meeting tayo kay Sir mamaya?"


"OPo..." Kasama ako sa meeting na iyon.



Bandang alas diyes ng umaga ay nagtungo kami sa conference room. Investigating Team lang ang nandoon. Buong tropa ng mga imbestigador na pulpol. Hindi ko maisama ang sarili ko sa kanila kasi naiinis talaga ako sa style nila.



Seryoso si Kuya Ice habang nasa loob kami. Lahat kami ay bumati sa kanya. Pagkaupo ay sinabi kaagad niya kung ano ang pakay niya.



"Gusto kong mahanap kaagad ninyo ang serial killer na gumagala ngayon. " Natatawa- tawa ako sa loob – loob ko. Paano nila gagawin iyon? "Double time kayo dahil baka makapambiktima na naman ang suspek."



Hangos na lumapit si Sgt. Nicolas. Dala-dala niya ang isang morning paper. Humihingal ito sa pagod dahil nasa ikaapat na palapag ang conference room na iyon.



Ibinagsak niya ang diyaryo. "Hayan, ang anak ng tatlong higanteng kompanya... Isa nagbigti, dalawa... under observation kung may mental illness"



Tingnan mo, hindi pa sila nagsabay-sabay na magpakamatay.



"Dahil sa isang sex scandal..." Nanlaki ang mga mata nina Jino at Jhopet. Nai-download na pala ni Sgt. Nicolas ang video mula sa youtube... Ganoon kalaswa ang mga hayop na iyon at tama lang na iyon ang sapitin nila.


"Sir...."Napamulagat si Gaspar.


"Sino ba itong sina Sehun, Suho at Baekhyun?"


"Sir, kabilang sila sa mga elitistang grupo ng EXO Gang. Lahat sila ay anak na lalaki ng mayayamang negosyante dito sa Maynila. Marami silang kinasangkutang iba't ibang mga krimen. Lahat ng iyon ay na-dismiss. Huling krimeng kanilang kinasangkutan ay ang Mayers Massacre. " Tuluy-tuloy na sabi ni Gaspar.


"Pagkatapos ng ilang taon ay mukhang gumagawa na naman sila ng ingay. Unti-unti na ulit silang bumabalik sa sirkulasyon." Sabi naman ni Ivan. Pero ibang ingay ang nangyayari sa kanila dahil isa-isa na silang nalalagas ngayon. Sila na ang pinag-uusapan dahil bumabaliktad na ang mundo para sa kanila.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon