FB: RESCUE 101

143 10 1
                                    

WHITNEY'S POV



Nakita ko kung paano makipaglaban si Danica habang nasa ospital. Abut-abot ang aking dasal at ginawang pagbabantay upang maging ligtas siya. Alam ng grupo ni Kai kung saan si Danica at tiyak na sisiguraduhin nilang hindi na gigising ang dalaga upang wala ng magiging testigo sa kanila. Hindi kami pinaniwalaan ng korte. Napagtakpan nila ang kanilang kawalanghiyaan ngunit hindi iyon maaaring maitago sa mata ng Diyos.



Mahigpit akong binilinan ni Atty. Joshua Navarro na dobleng pagbabantay ang gagawin ko sa ICU.



Nang araw na makita kong kinumbulsyon si Danica at iminulat niya ang kanyang mga mata sa unang pagkakataon, pinilit ko si Dra. Domingo na ipaubaya na ang katawan ni Danica sa amin at palabasing patay na siya.



"Dra. Domingo, kaya mong gawin iyon di ba?" Bagamat nakita ko sa kanya ang pagdadalawang isip, nag-isip siya ng paraan.



Narinig ko ang pagtatalo nila ni Lee sa loob ng ICU. Hindi ko sinasadyang marinig ang pagtatalo nila sa harap ng kama ni Danica. May masamang balak si Mira kay Danica sa tono ng kanyang mga salita para lang masolo ang binata. Sinabi ko na iyon sa abogado at magkakaroon daw sila ng kasunduan ni Mira.



Matagumpay naming nailabas si Danica dahil may isang L-300 sa garahe ng ospital ang nagbaba ng isang pasyente mula rin sa ibang ospital. Paglabas namin ay sinalubong niya kami at maingat naming ipinasok si Danica habang nakatakip ng kumot.



"Saang punerarya po tayo?" Mukhang pribadong service ito na naghahatid ng mga patay sa punerarya.


"Kuya, idiretso mo lang..." Kutsilyo ang inilabas ko. "Bilisan mo lang...Bilis!"



Inilipat namin siya sa ibang ospital at inirehistro sa ibang pangalan para hindi siya masundan. Puwede siyang pagpiyestahan ng media at gumawa pa ng mas malaking isyu. Gusto naming ilayo siya sa gulo lalo pa kung malalaman niyang nakalibing na ang kanyang mga magulang. Tiyak na hindi niya iyon makakayanan.



Napanatag ang loob ko ng muling maging stable ang kalagayan ni Danica. Sa isang pribadong kuwarto na siya inilagay. Ibinigay ko rin ang medical record niya. Alam na ng mga doktor ang gagawin doon. Nakita kong kinausap na ni Atty. Navarro ang mga doktor ni Danica.



"Iha, lakasan mo ang loob mo. Nandito lang kami ni Drexel para gabayan ka." Hawak ko ang kamay niya.


"Pangalawang buhay mo ito, Danica at mukhang may misyon ka pa sa mundo. Huwag mong sayangin ang pangalawang pagkakataong ito para mabuhay ng normal tulad ng dati." Sabi ni Drexel.



Ngunit ano ang normal ngayon kay Danica? Mag-isa na lang siya. Ako at si Drexel ang kanyang makakasama at ang sanggol sa sinapupunan niya. Masyadong komplikado ang kondisyon niya. Talagang mangangailangan siya ng total surgery ayon sa mga doktor upang gawaan ng paraan ang kanyang mga pilat sa katawan.



THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon