THE OPPOSITE

131 6 0
                                    

EVE'S POV



Niyaya ko ang magulang ni Lee na lumabas kasama si Leeah dahil hindi ako nakadalo sa gathering nila. Sinabi kong sa academy kami magkikita tulad ng gusto ni Lee. Today, we'll tell his parents na magpapakasal na kami by the end of the following month. I want to announce it in his class kung saan estudyante din niya si Ava.



Ayaw nina Mommy at Daddy si Kai dahil sa malaking iskandalong nangyari sa pamilya ng mga Mayers. Kilala ko si Danica. Talagang patay na patay si Kai sa dalaga ngunit kilala ko din si kai at siya ang tipo kong lalaki.



All of a sudden nalaman ko ang engagement nila sa isang party ng dinaluhan ko. Danica was caught in the act. Hindi nga siya makapagsalita at nagkatawanan ang mga businessmen and woman sa okasyon na iyon.



Handang handang si Kai pero si Danica halata mong gulat na gulat. Umiyak pa siya.



"Tears of joy lang po" Sabi ni Kai at niyakap niya si Danica. Inggit na inggit ako sa kanya. She is so pure and innocent. But I also took the advantage na lapitan si kai, kunwari pa akong masaya sa nangyari pero abut-abot ang aking paghihimutok. Nang pumutok ang nakagugulat na balita, ako ang lihim na sumalo kay Kai. Nagkikita kami ng lihim sa dati naming tagpuan.



Mahal na mahal ko siya kahit matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Ipinaubaya ko ang sarili ko sa kanya at paulit-ulit kaming nagkakasama sa kama. Ilang beses kaming nagparaos at nagpakasaya habang hinahanap nila ang hustisya para kay Danica.



Para sa akin, ang nangyari ay isang tagumpay na makukuha ko si Kai ng walang kahirap-hirap. Nawala kaagad ang aking kakompetensya. Mas pinaburan nina Mommy at daddy si Lee dahil matinong pamilya ang kanyang pinanggalingan.



Kung sino pang matino, siya pang hindi ko gusto.



I find him boring. Walang ka-sweet-sweet sa katawan. Wala man lang pag-aalala sa akin. Noong una lang siya magaling. Hindi siya mahilig makipag-date. Palagi lang siyang nagpapadeliver ng bulaklak pero hindi ko nga gusto iyon. Mabuti at hindi siya nagagawi sa clinic, kung hindi ,makikita lang niya ito sa basurahan.



He would invite me to family gatherings full of noise. Nakakapagod ang ingay ng mga bata. Maghahabulan at pati ako ay idadamay nila sa kanilang kalokohan. Nandoon din ang kuwentuhan at pakikipagplastikan ng mga maghihipag na parang close na close sa isa't isa. I hate it. Ayoko ng ganoon.



Tapos, going to church na kompleto ang buong angkan. As if may magtse-check ng attendance. My family has never been like that. I lived independently when I was 18 in a condominium at HallyuTowers. I lived with my yaya and I was well provided with everything. Wala akong alam na gawing bahay kaya may katulong ako . I easily get bored at home kaya I often go out with friends lalo na with Kai. Hindi ko pa nai-encounter ang mga kaibigan niya.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon