LEE'S POV
Masaya akong pumasok sa academy. Matipid ang ngiti ko ng makita si Ninong Roman. Bumati naman ako sa kanya tulad ng dati kahit hindi niya ako batiin.
"Good morning, Sir."
"Good morning... Kumusta ang bakasyon ninyong mag-anak?" Nagulat ako. Paano niya nalaman na nagbakasyon kami? "Ha a e... Okay lang Sir. Nag-enjoy naman..." Tumango siya at saka lumabas ng faculty room. Am I missing something here? Ako pa ang nagtaka... I feel good about it. Nakakagaan ng pakiramdam na parang may himalang nangyari ngayong umaga. Magandang balita ito kay Ava. Excited tuloy akong umuwi.
Pagkatapos ng klase ko, tinawagan ko si Ava habang naghahanap ako ng mauupuan sa kantin. Angdaming enrollees ngayon. Parang wala na akong mauupuan. Kinawayan ako ng mga estudyante ko sa at pinaupo ako sa bakanteng upuan.
"Hi, Honey... How's your day?"
"Miss you... I 'll go home early today."
Hindi ko inaasahan ang nadatnan ko sa mansion. Excited pa naman akong umuwi. Nanunood na naman sina Mama at Papa sa sala pero wala si Leeah. Hindi nakikigulo ang aking anak sa panunood nila kapag nandoon si Ava. Humalik lang ako atsaka dumiretsong umakyat sa ikalawang palapag ng mansion. Binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto...
"Leeah, Ava...." Nakadalawang beses akong tumawag. Pumasok pa ako ng banyo, as if naman. Tinungo ko rin ang kuwarto ni Jazzy pero himbing na himbing itong natutulog. Nagmadali akong bumaba, nagtungo ako sa likod – bahay dahil baka nagsu-swimming ang dalawa. Anytime kasi na maisipan nila ay naliligo sila pero nagtaka ako dahil wala sila doon. Nagmadali ulit akong umakyat sa kuwarto, di ko alam kumbakit ko tiningnan ang drawer ng damitan ni Leeah. Wala na doon ang maleta....Wala na ang ilan sa mga damit niya. Wala sa malaking cabinet ang kanyang mga uniporme.
"LEAAAAAHHHHHH! AVAAAAAAAAAA!" Napasigaw ako sa takot. Iniwan na ako ng aking mag-ina. Napahagulgol ako sa dulo ng kama. Bakit? Ano bang ginawa ko?
Pumasok sina Mama at Papa.
"Mama, Papa, iniwan na ako nina Ava at Leeah...Bakit?"
"Lee...."
"Ayaw niyang magpakasal sa akin. Ayaw na niyang sundan namin si Leeah tapos heto iiwan pala niya ako at kasama si Leeah. I thought everything is fine with us. Mama, Papa... hindi ko kaya. Hindi ko ito makakaya...HINDI....Huhuhu!"
"Lee...."
Kaya nagmadali akong umalis. Pupunta ako sa bahay ni Ava. Tiyak kong nandoon sila. Doon niya dinala si Leeah. Hindi nga ako nagkamali. Pero matapos ang sumbatan, pinauwi din ako ni Ava. Iniwasan niya ako. Matagal akong nanatili sa loob ng kotse sa tapat ng gate nina Ava. Mas humagulgol ako ng iyak sa loob. Mas bumigat ang problema ko. At mas paralisado ako kapag pamilya ko ang sangkot. Kasi kahit anuman ang mangyari sa klase ko, sa academy, kahit hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Ninong Roman ay okay lang basta nandiyan sina Ava at Leaah. Pero hindi ko inaasahan ang hapon na hindi ko sila madadatnan sa mansion. Ni hindi makapagsalita sina Mama at Papa.
Iyon din ang unang gabi na wala akong katabi. Nasa loob na ulit ako ng sarili kong kuwarto. Nakailang baling ako sa higaan pero hindi ako dalawin ng antok kahit anong pilit kong matulog. Bumangon ako at kinuha ang bote ng alak sa cabinet na binuksan ni Ava. Halos kalahati na rin pala iyon. Nagdala ako ng ice bucket sa sala at nagbukas ng tv saka nagsali ng alak sa baso at unti-unting sumipsip ng alak.
Mas nag-aalala ako dahil baka makatyiempo na naman ang mga killer ni Ava. Kung anu-ano ang naglalaro sa aking isipan. Hindi ako sanay na hindi kasama si Leeah. Hindi ako sanay na malayo sa kanilang dalawa. Matapos akong makapagsalin ng alak ng tatlong beses sa baso ay umakyat na rin ako sa pag-aakaalang makakatulog na rin ako sa wakas.
Ngunit pag-akyat ko, ilang beses akong tumawag kay Ava.. Sinagot naman ni Ava ang tawag ko.
"Ava, okay lang ba kayo dyan ni Leeah?" Pagkatapos noon, umidlip lang ako. Bandang ala una, hindi ako nakatiis, tumawag ulit ako.
"Ava...make sure to alarm us what ever happens."
"Look, Lee...do you think I can't protect my daughter?" Mukhang di niya nagustuhan ang sinabi ko. Halatang naistorbo ko siya. "Why don't you sleep now? It is almost one in the morning. Aren't you going to sleep? I'll be back for work tomorrow. " Palagi na lang niyang minamasama ang sinasabi ko kahit silang dalawa ni Leeah ang inaalala ko. Nag-aalala lang ako kasi pareho silang babae sa bahay at mukhang di safe. Ahh...I feel paranoid about this situation.
Ito ba ang kapalit ng isang linggo naming masasayang sandali. Kung na-sense ko lang kaagad na ganito pala ang kapalit ng lahat, sana ay hindi na kami bumalik ng Pilipinas at tuluyan na lang kaming tumira sa ibang bansa. Kahit ilang beses pa kaming mag-away ni Ava tungkol sa kasal, at least alam kong hindi siya makakatakas sa akin at hindi niya ako iiwan kasama si Leeah. Silang dalawa lang ang buhay ko ngayon. Sa kanilang dalawa umiikot ang mundo ko.
Napaiyak akong mag-isa sa dilim... Hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...