SECRET PLAN

101 2 0
                                    

LEE'S POV



Hindi na namin pinatagal ang pamamasyal sa DisneyLand. Bago pa magkaroon ng aberya at mahuli si Ava nina Gaspar at Ivan ay nakakuha na sila ng passport ni Leeah. Ready na kaming tatlo para man lang sana magrelax. Lalo na ngayon, mas kailangan naming mag-unwind muna dahil sa mga pangyayari.



Nag-sign muna ng waiver si Ava na babalik ng bansa at hindi gagamitin ang pagpunta sa Hongkong para tumakas sa responsibilidad dahil sa kanyang kinasangkutang insidente. Bagamat hindi naman napatunayan ay nakapagpiyansa siya.



Binalaan siya ni Kuya na hindi niya matatakasan ang anumang krimen kapag napatunayang niloloko niya ang pulisya at nagsinungaling siya.



Hindi madaling maniwala si Kuya sa mga taktika ni Ava kahit alam kong nagsasabi siya ng totoo. Maging sina Gaspar at Ivan ay tiyak na nagdadalawang isip sa mga alibi ni Ava. Para sa akin, walang duda...hindi iyon si Ava.



"Lee, tulungan mo akong hanapin ang taong iyon. Kapag nagkataon,talagang maiipit ako sa sitwasyon. Ayokong makulong sa kasalanang di ko ginawa. " Tinitigan ko ang mga mata ni Ava kung mahuhuli kong nagsisisnungaling siya ngunit walang halong pagkukunwari ang mga salita niya. Umiiyak siya sa takot. Kung mangyayari nga naman iyon, tuluyan na kaming magkakahiwalay dahil anim na sa labindalawa ang napapatumba kung sakali.



Ang iba ay hindi naman talaga napatay ng biktima . Naging resulta lamang ng isang bagay kaya sila namatay. Hindi man direkta, iyon ay dahil sa kagagawan ng serial killers. Narinig ko ang sinabi ni Ava, handa na niyang isa-isahin ang mga lumapastangan sa kanila ni Angel. Magaling kumuha ng tyiempo at habang sinisikap masukol ang serial killer, nagkataong si Ava ang rumesponde at mapagkakamalan talagang si Ava ay ang serial killer kung parehong pareho sila ng kasuotan. Sino ba ang nanggagaya? Si Ava o ang serial killer?



"Ava, naniniwala ako sa iyo. hangga't nandito kami nina Papa at Mama, magtiwala ka. Tutulungan nila tayo. Tutulungan ka namin. Tutulungan kita. Bilang na ang mga araw niya. Tahan na..."



Kailangan niyang mag-ingat sa lahat ng kilos niya dahil under surveillance na rin siya tiyak. Mainit na rin sa kanya ang mga mata ng pulisya lalo na ang grupo nina Jazzy. Ah, kahit sinong pulis puwede siyang hulihin? Kahit si Jazzy na kaibigan niya.



"Kaya ko pa ba?" Tanong niya sa akin.



"OO, kaya mo. Matapang ka. Mas matapang kaysa sa akin. Kitang kita ko nga sa CCTV na hindi mo inurungan si Gaspar. Hindi mo inilagan ang bala. Mas nakakatakot ang ginawa mo. Ako ang mas natatakot sa iyo."



"Lee, paano kong...." Mukhang pinanghihinaan na siya ng loob. Tama na siguro. Alam kong pagod na siya. Ilang araw na lang at aalis na kami.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon