SEEING MYSELF

155 8 0
                                    

DANICA'S POV



Nagpagawa ako sa aming abogado ng isang original copy ng aking birth certificate sa pangalang Savana Osborne. OO, gusto ko ng bagong buhay na hindi huhusgahan ng karamihan . Ayokong kaawaan nila ako. Ang marka ng kahayupang ginawa sa akin ng barkada at ng kahalayang ginawa ni Kai ay isang alaalang kailanman ay hindi ko na makakalimutan. Maari kong takpan ang mga sugat na ito ngunit hindi ang kahayupang ginawa niya sa aking pagkatao.

Paghahandaan ko ang muli naming pagkikita. Nang dahil sa kanila ay namatay sina Mama at papa. Nagkalayo kami ni Lee at ng aming anak. Nasira ang aming mga plano.

Babalik ako sa akademya. mag-aaral ako at magtatapos. Magkikita pa kami ni Jazzy sa graduation day niya.

Makikita ko rin doon tiyak si Leeah.

Ipinakuha ko lahat ang pera ko sa bangko maging ang pera nina Mama at Papa.

Naalarma daw ang bangko ng magkaroon ng malaking withdrawals nito sa magkakaibang branch sa pare-parehong oras. Ipinakuha ko ang pera thorugh ATM lang. Sinabi kong iutos na lang nila sa iba ang pagkuha nito upang hindi sila mamukhaan sa CCTV camera. Umaga kami unang nag-withdraw. makaraan ang isang linggo, sa ibang branch naman kami at sa magmalalayong lugar. Wala namang freeze account order ang mga iyon dahil may abogado kaming mangangalaga dito. Ngunit ikinagulat ng bangko ang pangyayaring ito. Alam kong magsasagawa ng entrapment dito. Huhulihin kami ngunit magiging maingat pa rin kami.

Ililipat ko ang mga iyon sa iisang bangko sa ibang pangalan. Mati-trace nila ang pangalan ko kapag bank transfer ang ginawa ko.

Magbabagong buhay ako.

Bago ako umalis patungo sa ibang bansa, muli akong nagtungo sa aming mansion. Muli kong binalikan ang anino ng aking nakaraan. Para akong pumasok sa sarili kong bangungot. Walang gustong balikan ang alaala na nangyari sa bahay na iyon higit isang taon na rin ang nakalilipas ngunit hinamon ko ang kaing sarili. Kaya ko ito!

Kailangan ko itong paglabanan. Kailangan kong magtagumpay ngayon. Ako ang mismong haharap sa kanila at maghahatol ng parusa sa kanila.

Gabi na ako pumunta. Kasama ko ang aking abogado. Nang makita niya akong nakasuot ng malaking hood, hindi na ako pinilit na ipakita ang aking mukha.

"Siya ang amo natin. ang may-ari ng mansion ito." Sabi ni Atty. Navarro sa guwardiya. Binuksan kaagad ang gate. Ipinasok ng abogado ang kotse.

Malinis na ang bakuran. naibalik ang dating ganda nito. Kinumpuni na ang mga nasira. Matagal –taagal na rin iyon. Malalago at luntian ang mga halaman. Buhay na buhay na ang mga Bermuda. Nanginig ako sa takot. Napahawak ako kay Attorney.

"Danica, are you sure kaya mo?"

"Yes, Attorney. Don't worry."

"Kasi hindi mo naman ito dapat pang gawin kung ..."

"Attorney, okay lang po. Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon gusto kong puntahan ang bahay na aking nakalakhan. "

Mababait ang mga magulang ko ngunit dahil sa klase ng kanilang trabaho, palagi kaming naiiwan sa bahay ni Angel. May apat na taon ang agwat namin ni Angel sa isa't isa. Magkasundo kami sa maraming bagay ngunit hindi tulad ng kay Jazzy. Minsan nga, mas kapatid ko pa si Jazzy pagdating sa kanya. Madalas siyang isama ni Papa at Mama sa mga gathering sa halip na ako. Hindi ko kasi type makipagsosyalan sa mga sobrang mayayaman.

Pumasok ako sa sala. Wala na doon ang mga mamahaling figurine ni Mama. May ilang painting ang wala. Tinanong ko si Attorney. Nasa kuwarto daw nina Mama at Papa. Sa unang palapag lang ang aming kuwarto ni Angel. Magkatabi iyon. Doon nanginig ang tuhod ko sa takot. Parang flash ng ilaw ang nakita ko at muling bumalik sa aking alaala ang marahas na panggagahasa ni Kai sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang knob ng pinto upang hindi ako matumba sa aking kinatatayuan. Napapikit ako sa sobrang takot. Halos hindi ako makahinga sa sobrang nerbiyos. Napaupo ako sa lugar kung saan namatay sina Mama at Papa.

"Mama... Papa...."

"Sorry..."

Sorry kasi , hindi ko talaga kayang sundin ang gusto nila. Hindi ko kayang magpakasal kay Kai. Mahal ko si Lee. Matagal na panahon ko nasiyang mahal. Bakit kasi una siyang ipinanganak sa mundo? Itinayo ako ni Attorney at hindi na niya naiwasang hindi ako yakapin.

"Danica, kakayanin mong bumangon , Iha. Binigyan ka ng Diyos para mabuhay ng normal. Gamitin ang buhay na iyan para gawin ang tama at ipaglaban ang naaapi. "

Hindi ko balak lumantad para maging CRIME ADVOCATE... Hindi ako ang ganoong klase ng tao. Umalis kami sa lugar na iyon. Sa hotel ako natulog. Buong magdamag akong gising. Ni hindi ako nakatulog ng maayos kaya nagpasundo na lang ako kay Attorney ng bandang hapon para dalawin sina Mama at Papa at Angel sa Columbarium ng St. Therese.

"Mama, hindi ko po kayo madadalaw sa death anniversary ninyong tatlo dahil lilipad ako patungong Amerika. Baka matagalan po ako doon pero huwag po kayong mag-alala dahil babalik din po ako. Maghihiganti ako sa pambababoy na ginawa nila sa akin. Sisingilin ko ng mahal ang pumatay sa inyo."

Umiyak ako sa harap ng tatlong urn. Sa loob ng malaking hood na iyon, nakakubli ang sugat ng nakaraan. Matapos niyang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang at ni Angel, itinakda na rin ang kanyang pag-alis.

"Attorney, kailan ako puwedeng umalis patungong Amerika?"

"Kailan mo po ba Ma'am gusto?"

"BUkas na bukas din..."

"Areglado po..."

Kung may pera ka talaga, madali lang ang lahat ng bagay. Tahimik kami sa loob ng kotse. Inihatid niya akong muli sa aking suite.

"Pasok po muna kayo, Attorney."

"Salamat, Iha..."

"Kayo na po muna ang bahala dito. " Tumango naman siya. Nasa kusina ako at kumuha ng kape.

"Safe naman ang mga stocks ng parents mo. Maging ang bank account nila ay ligtas din. Give me a ring if you need something."

"Thanks Attorney. By the way, huwag po ninyong kalilimutang ibigay ang suweldo nina Whitney at Drexel. "

"Yes, Ma'am. .."

Iniabot ko ang tseke kay Attorney. Bayad niya iyon sa mga ginawa niyang tulong sa akin. Ngumiti siya at saka umalis.

Kanina pang nakaalis si Attorney. Hawak ko ang isang baso na may vodka. Inuunti-unti ko iyong sipsipin at inumin. Hindi ko matatakasan ang salamin dahil buong unit ko ay napaliligiran ng salamin. Nagtungo ako sa banyo upang maligo bago matulog. Gusto kong maging presko. Nasa loob ang isang malaking salamin, unti-unti kong hinubad ang aking damit. Tumambad sa aking harapan ang katawang literal na gula-gulanit sa dami ng marka ng tinamo kong sugat mula sa saksak ng kutsilyo. Hindi na ako ang dating Danica. Nasira ng konti ang hitsura ng aking mukha. Kaya wala talagang makakikilala sa akin kahit lumabas ako na walang hood.

Nahabag ako sa aking sarili. Pero isinumpa ko na magbabayad talaga sila sa akin ng mahal.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon