DON'T COMPARE

119 4 0
                                    

SIMEON'S POV



Gusto ko ding masolo si Ava sa mga pagkakataong ito. Bumabawi lang dahil masyado naman akong nasabik sa kanya. Unlike sa ibang relasyon, ngayon lang namin ito nagagawa. Ngayon ko lng ito nararanasan. Ni hindi ko nga siya mahalikan sa loob ng sinehan eh. Talagang pag sinabing nood, nuod lang talaga. Nakakadalaw na ako sa bahay niya ng walang nagbabawal. Hindi na namin kailangang pumunta sa likod-bahay ng mansion para hindi kami nakikita ni Lee. Atleast dito, anytime of the day ay puwede akong dumaan. Pinagbubuksan naman niya ako. Magkaiba kasi kami ng shift ng duty. Pareho kami ni Jazzy na panggabi kaya lang iba ang tropa niya. Iba ang area na kanilang iniikutan.



Pang umaga pa si Ava. Mabuti na rin iyon atleast safe siya. Makakauwi siya sa bahay ng maaga.



"Ava, nasaan ka na?"


"Nakauwi na ako."


"Dadaan ako mamaya ha! Puwede bang mag-dinner dyan?"


"Simeon, hindi kasi ako nagluluto. Sa labas ako kumakain."


"Oorder na lang ako tapos iti-take out ko na lang para sabay tayong kumain ng hapunan"



Maaga kaming nakabalik galing sa operasyon namin ng gabing iyon. Dumadaan ako sa kanya para lang siguraduhing okay siya. Masarap sa pakiramdam 'yong uuwi ako galing sa mga operasyon namin na siya ang sasalubong sa akin.



Nananatiling malinis ang loob ng kanyang kusina at sala. Puting puting ang kanyang tiles at nakakahiyang magkalat o magpasok ng maduming sapatos. Napansin kong madalas magsuot si Ava ng puting oversized na long sleeves na damit na hanggang tuhod lang niya. Madalas siyang nakayapak.



"Hindi ka ba marunong magtsinelas."


"Ganyan din si Lee ... palaging pinapansin ang..." Bigla siyang natahimik.


"Okay lang...Never mind. Malalamigan ka niyan. "


"Sanay kasi ako dito sa bahay ng ganito. Hayaan mo na lang ako. Kain na tayo? Gutom ka na di ba?"



Bumili ako ng Bucket meal sa KFC para pagsaluhan namin. Mabuti naman ang nagustuhan iyon ni Ava. Umupo ako sa pinakagitnang mesa at sa kanan ko siya umupo. Bigla akong naubo kaya napatayo ako at ako mismo ang kumuha ng tubig sa ref. Nagulat ako ng makita ko ang madaming bote chilled Vodka saloob niyon. Napatingin ako kay Ava.



"Bakit ang daming Vodka dito?"


"Simeon, pampatulog ko iyan."


"WHAT!? WOW! Grabeh ang pampatulog mo, Vodka... Bakit?"

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon