AVA'S POV
Pinuntahan ako ni Lee sa bahay. Halata niyang iniiwasan ko siya. Hindi ako nagpakita sa kanya matapos naming magklase sa subject niya. Pati nga sina Jino at Jhopet at umiwas sa akin dahil baka ko daw sila mapagdiskitahan.
Buong maghapon kong pinagdiskitahan pati ang mga ka-sparring ko na halos mapatakbo sa takot sa akin.
Dinalaw niya ako sa bahay habang nanunood ako ng So Close. Ipinagbukas siya ni Valerie ng gate. Hindi ko alam na may bisita ako. Nagpaalam na kasi si Valerie kaya siya na ang bahalang magsara ng gate.
Nakaupo ako sa sopa. Same clothes lang ang gusto kong isuot kapag nasa bahay. Naka-oversized long sleeves na puti lang ako. Nakalugay ang buhok ko pagdating sa bahay.
Wala ako sa mood para sana pakiharapan siya. Ayoko ring paistorbo habang nanunood ako. Ipinagtabuyan ko na siya pero nalaman na niya ang ginawa sa akin ng maldita niyang girlfriend.
"Saan ka niya sinaktan?" Tanong niya pero pilit kong iniba ang usapan. Balewala na iyon sa akin.
"Sgt. wala kasi dito si Valerie. Umuwi sa kanila. Ano bang sasabihin mo at sasabihinko na lang bukas kung siya naman talaga ang pakay mo." Nakatutok ako sa pinanunood ko. Naupo siya sa upuan sa tabi ng long sofa na kinauupuan ko.
"Ava..."
"Ano? Bakit ba?"
"Pasensiya ka na sa nangyari."
"Tapos na po iyon Prof. Lorenzo. "Pero hindi iyon natatapos ng ganoon kay Prof. Lorenzo. Hinagilap niya ang labi ko at hinalikan ako. Nakaupo na siya sa tabi ko.
"Sorry na. Saan ka ba nasaktan?" Hindi naman ako ang nasaktan. Nainis lang ako sa mga taong pumapatol sa mga bata.
Pinauuwi ko na siya pero hindi siya umalis sa tabi ko.
Ang totoo, ayaw ko na siyang umalis. Parang gusto kong sabihin ngayon ang totoo. Hindi ko lang kaya dahil magiging sagabal siya sa mga plano ko balang araw.
Nanood na lang kami ng So Close kaysa pilitin ko siyang umalis kahit ayoko din naman. Nakatulog ako habang nagsisiksikan kami sa sopa. Nakayakap ako sa kanya. Wala akong bangungot kapag kasama ko siya. Nakakatulog ako at hindi ko kailangang uminom ng alak. Kung sana palagi ko na lang siyang katabi, magiging payapa ang buong magdamag ko.
Nagising ako ng bandang madaling araw para gisinging siya .
Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Napakaguwapo ng kanyang mukha. Napakatangos ng kanyang ilong. Napakasarap pa rin niyang humalik tulad ng dati.
"Lee, hindi mo ba ako nakikilala? O nakikilala ako ng puso mo pero hindi ng iyong mga mata. Ako ito, si Danica. Lee, ingatan mo si Leeah. Ayokong masaktan ulit si Leeah ng babaeng iyon dahil aawayin ko talaga siya." Sinabi ko sa kanya iyon habang tulog na tulog siya. Saka ako muling bumalik sa pagtulog.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinayaan ko siyang matulog. Hinayaan kong magpalipas siya ng buong magdamag sa bahay.
Gusto ko rin siyang makasama sa agahan. Kaya lang kinabukasan ay late na siyang nakapasok sa kanyang klase. Mas naunahan ko pa siya. Syiempre, hindi naman namin siya puwedeng bigyan ng corporal punishment.
Sumabay siya sa mesa namin nina Jino at Jhopet.
"Mabuti naman at hindi ka na-late ngayon" Sabi ni Jino.
"Sarap kaya ng tulog ko kagabi."
"Uminom ka na naman..."
"Hindi ako uminom. Himala iyon. Iyon ang pinakamasarap kong tulog sa lahat."
"Kaya pala...." Sabi naman ni Jhopet.
"Kaya nga eh. Di ba unfair naman 'yon, kapag estudyante ang late, may corporal punishment... "
"Pssst!" Sinutsutan na ako ni Jino para tumigil pero gusto kong makita ang reaksyon ni Prof. Lorenzo. Habang nilalaro ko ang kanyang slacks ng sapatos ko sa ilalim ng mesa.
"Eh ano dapat ang ginagawa sa mga professor na late?"
"E di mag-push up din..." Wala sa loob na sagot ni Jhopet habang nakatingin sa kanya si Sir Lee. Masama ang tingin niya.
"Ako Sir, walang kinalaman dyan. Nagtatanong lang ako?"
Umalis kami ni Jino. Naiwan si Jhopet pero kumaripas din ng takbo at iniwan namin si Sir.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mistério / SuspenseHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...