LITTLE ANGEL'S FATE

149 9 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Madilim ang kalyeng iyon papasok sa mansion ng mga Lorenzo. Napapaligiran ng malalaking puno ng akasya magkabilang kalye nito kaya walang makakapansin sa aninong iyon. May dala-dala siyang kahon. Kasunod ng dalawa pang malalaking anino.



"Sigurado ka ba talaga sa balak mo?"


"Opo, dito naman talaga siya dapat lumaki. Mas maaalagaan siya dito. Matatanda na po kayo kaya ako na lang ang alagaan ninyo."


"Pero hindi mo naman dapat pang ilayo si Leeah sa iyo."


"Para po mas makakilos ako...Kailangan ko din pong mag-aral. Magpupulis pa rin po ako."


"Pssstttt! Huwag kang maingay, Leeah...Kailangan mo munang manatili sa mansion. Huwag kang mag-alala sa akin . Kukunin kita . Magkakasama din tayo balang-araw."



Umingit ang bata. Tila naintindihan ang sitwasyon nilang mag-ina. Tumulo ang luha ni Danica. Hindi niya kayang iwan ang bata ngunit kailangan. Wala siyang ibang puwedeng pagkatiwalaan ngayon kundi si Jazzy at maging si Lee ang tatay ni Leeah.



Natyiempuhan niyang tulog si Policarpio tulad ng kanyang hinuha. Alam kasi niyang madalas itong matulog habang nagbabantay sa gate. Minsan na rin siyang nainis dahil 15 minutes na siyang nasa labas at bumubusina ngunit hindi siya pinagbubuksan ng binata dahil himbing na himbing na ito sa pagtulog. Hindi tuloy napansin ng guwardiya kung sino ang nag-iwan ng kahon na iyon.



"Anak, magpapakabait ka kay Daddy. Mahal na mahal ka ni Mommy. "



Umiyak si Danica. Ginawaran niya ng huling halik ang kanyang tatlong buwang gulang na anak. Matapos niyang ilapag ang kahon sa gitna ng gate, bahagya rin niya itong binuksan upang makahinga ang bata sa loob. Nagkubli siya sa likod ng malaking puno kung saan puwede niyang silipin kung sino ang makakakuha nito.



Ikinubli niya ang kanyang mukha sa malaking hood na iyon. Kasama niya si Butler Drexel at Madame Whitney habang hinihintay ang papadating na sasakyan. Bumusina ito. Sa sobrang tagal ay bumaba ngunit nilapitan ang kahon at kinuha ang bata sa loob. Pumasok sa loob ng bakuran ng mansion ang binata habang hawak ang bata habang ipinasok na lang ni Policarpio ang kotse. Nakita niyang itinakip ni Lee ang puting lampin sa bata. Kitang kita ni Danica ang ngiting sumilay sa labi ni Lee.



Lalong bumuhos ang kanyang luha. Niyakap siya nina Whitney at Drexel na ngayon ay kumukupkop sa kanya.



"Nakauwi na rin siya sa wakas" Sabi ng matandang babae. Mahigpit na nagyakapan ang tatlo sa dilim at unti-unting lumayo si Lee dala-dala ang bata sa loob. Kung kailan sila muling magkikita ay Diyos na ang bahala.



Hindi ganoon kadaling magdesisyon lalo na kung isasakripisyo mo ang iyong anak. Gusto ko siyang lumaki sa isang masayang kapaligiran. At ang pamilya Lorenzo ay isang halimbawa noon. Lumaki silang buo ang pamilya. At gusto ko ring magisnan ni Leeah ang pamilyang bubusugin siya sa pagmamahal at disiplina. Hinangaan ko ang kanilang pamilya kaya madalas akong mag-stay sa kanila. Mawala man ako, malalaman din nila balang araw na si Leeah ay talagang isang Lorenzo.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon