ICE'S POV
Kinabahan ako sa tawag na iyon ni Lee. Nasa loob ng ako ng opisina at nagbabasa ng dyaryo.Lumaki na kami ng ganito at ni minsan, hindi kami dumating sa puntong ganito.
"Classified..." Iyon lang ang naintindihan ko. Top Secret....
Ano naman kaya ang top secret na iyon at kailangang dumayo kaming muli sa Club Roman? Siguro naman ay wala na itong kinalaman kay Ava. Hindi ko pa nga nababanggit sa kanya na dinalaw ni Kai si Ava sa presinto. Nagkasagutan yata si Kai at Ava sa Investigating Department. Nagdala daw ito ng bulaklak doon.
Hmm, I smell something fishy. Si Ava, siya si Danica ang babaeng hinalay ni Kai noon. Napapaisip tuloy ako. Kung si Lee nga eh, same attraction ang naramdaman kay Ava kahit iba na ang hitsura nito... Malamang, ganoon din ang parehong atraksyon na naramdaman ni Kai para kay Ava. Sa pagkakatanda ko, fiancée ni Kai si Danica, na naging girlfriend ni Lee.
Hindi mo nga naman gugustuhin si Kai dahil nga sa pangit na reputasyon nito dahil sa mga kalokohang kinasangkutan ng kanyang tropa. Laman sila ng balita dahil sa kalokohang ginagawa nila. Usap-usapan sila ng buong bayan dahil sa krimeng kanilang pilit na pinagtakpan.
Pero iba kasi ang karisma ni Kai. Madalas siyang magsuot ng kulay puting overall kaya mukhang malinis at mabango siyang tingnan. Madaming blingbling sa leeg at may malalaking singsing sa daliri, bagay naman sa kanya at hindi siya mukhang sanggano. Palaging akala mo ay basa ang malago nitong buhok dahil sa gatzby at laging may nakasalpak na lollipop sa bibig. Pang release ng tension, pamalit sa sigarilyo...
Humarap sila sa media at sinabing wala silang kasalanan. Dahil mga anak mayaman, hindi imposibleng pati hustisya ay pumabor sa kanila. At nagmukha kaming mga gago. Pinaikot nila kami sa kanilang mga palad.
At tiyak na magagalaiti si Lee kapag nakaabot sa kanyang kaalaman ang nangyari ng araw na iyon. Mukhang nanliligaw si kai. Hanga talaga ako. Iba na ang hitsura ni Danica pero silang dalawa pa rin ang mukhang magiging karibal pa rin sa isa't isa sa puso ng iisang babae...
Wala akong ideya kumbakit niya kami gustong makausap sa Club Roman.
Pagdating namin, sinalubong kami ni Mr. Manager at sinamahan kami sa isang private room doon. Reserved daw iyon sa aming tatlo. Itinawag na sa kanila kaya hindi na kami dapat mag-alala. Magkasabay kami ni Jude.
Pagdating ni Lee ay basa pa ang buhok nito. Galing siguro siya ng bahay bago nagtungo doon.
"Kuya, may alam ka ba?" Tanong niya. Napakunot-noo ako.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...