FALLING DOWN

129 4 2
                                    

LEE'S POV



Masyado akong naging abala sa pagpa-follow up sa Customs ng paparating na imported products ng mommy ni Eve. Maaga akong umaalis sa academy at hindi ko nakikita si Ava. Madalas ay si Simeon ang kanyang kausap at sa bandang huli ay sina Jino at Jhopet na.



Tatawag lang ang dalawa at magri-report kung ano ang ginagawa ni Ava.



"Malungkot po siya buong maghapon parang galing sa pag-iyak. Dinalaw na naman siya ni Simeon."


"Hindi siya nagtanghalian. Nasa Firing range lang siya kanina."



Pagbaba ko ng tawag na iyon at nasa linya naman si Kuya. Magkikita daw kami ulit sa Club Roman. pagbaba ng tawag, si Eve naman kaya hindi ko na kinausap at hinayaang tumawag siya ng tumawag.



CLUB ROMAN



Kuwestiyonable ang transaksyon sa kalakal na iyon ng mga Hilario kaya hindi rin ito madaling ilabas ng Customs kaya tawag ng tawag si Eve. Mas nag-aalala pa nga ako kay Ava kaysa sa kanya.


"Lee, stay away from this transaction."


"Baka mamaya ikaw lang pala ang ginagamit ng mga kawatan para i-frame up ka"


"Kuya..."


"Nakatimbre na sila sa Napolcom..."


"Huwag mong pakialaman ang nasa Customs dahil may hold order na iyon."



Nagulat na lang kami ng biglang ibinalibag ni Eve ang bag niya sa mesa. Nahulog ang bote ng alak na iniinom namin.



"Bullshit, nandito ka lang pala at nakikipag-inuman tapos ayaw mong tanggapin ang tawag ko." Umigkas ang kamay ni Eve at sinampal ako. Nagulat sina Kuya Ice at Jude sa inasal ni Eve. Hindi sila makapaniwala na ganoon kagaspang ang ugali ng aking asawa samantalang mga kapatid ko naman ang kainuman ko at tungkol sa pabor ng mga magulang niya ang naasikaso ko.



"Pipindutin mo lang naman 'yang pesteng cellphone mo, hindi mo pa magawa. Pakikinggan mo lang ako kahit hindi ka na umimik. Ilang saglit lang ...pakikinggan mo lang ako hindi mo pa magawa. Letse ka! " Itinapon pa niya ang mga basong hawak nina kuya at Jude. Gulat ng gulat sila. Umiwas sa mga nagtalsikang bubog mula sa mga basag na baso. Nasugatan kaming tatlo. Wala man lang sa mga hipag ko ang may ganoong kabrutal na ugali.



Napakasuwerte nilang dalawa sa kanilang mga asawa. Maging si Justine, masuwerte siya kay Sullivan.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon