MISSION IMPOSSIBLE

117 7 0
                                    

GASPAR'S POV



Nagmamadali akong pumasok sa opisina. Madami kaming aasikasuhin ngayon. May mga follow up kami sa ginagawang imbestigasyon ng Imbestigador ng Bayan ng matanggap ko ang tawag na iyon ni Retired General Lorenzo.



"Yes , Sir."


"Sige po..."



Ipinatatawag niya ako sa mansion ng araw na iyon. Dumating daw ako ng bandang 10 ng umaga. Hinanda ko ang report na kailangan niya. Para tuloy akong nasa Mission Impossible. Una si Danica ang... At ngayon si Ava... ngayon, may mga papatay sa kanya... tapos heto, may plano siya sa EXO-Gang...



Nadiskubre namin ang isang lihim na kuwarto sa bahay ni Ava habang masusi naming itong kinukunan ng mga basyo ng bala. Siniyasat din namin ang buong kabahayan. Hindi na namin pinapasok ang mga baguhang pulis. Wala si Sgt. Mike . Manganganak na kasi si Mira kaya naka-leave siya sa trabaho. Malaya kaming makakakuha ang impormasyon sa computer na iyon at larawan ng kabuuang ng kuwarto. Mukhang may serysong nagpaplano ng isang pambihirang krimen. Ino-organize niyang isa- isa. Pinag-aaralan ang bawat biktima. At ang pinakahuli sa larawan, si Kai.



Nandoon ang larawan ng labing dalawang demonyo at alagad ni Satanas sa lupa.



Gulat na gulat si Sir Justice at Ma'am Lemuela sa kanilang nakita.



"Papa, what's the meaning of this?' Habang iniisa-isa ni Ma'am Lemuela ang mga larawan. Hindi siya makapaniwala. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.


"Mama, huwag nating husgahan ang bagay na ito na basta-basta habang wala pang nangyayaring masama sa kanila. "


"Isa itong plano ... impormasyon sa bawat isa sa mga lugar kung saan sila makikita, at sinu-sino ang possible nilang kasama at ano ang kanilang ginagawa." Sabi ko.


"Hindi ba natin kailangang pigilan siya kaagad sa mga plano niya? " Sabi ni Lemeuela.


"Lemuela, konting hinahon...Iniisip ko na baka puwede pang magbago si Ava ng plano."


"Paghihiganti? Si Ava? maghihiganti? Sa mga ito? "


"Hindi sapat ang mga ebidensiyang ito, Lemuela. "


"Baka naman humahanap siya ng tyiempo."


"Sir, minabuti naming hindi ito tanggalin o galawin upang hindi niya isiping napakialaman na ito. Nang sagayun ang maipagpatuloy niya ang kanyang pagmamatyag sa mga bibiktimahin niya."


"Hindi sila ang biktima dito, Gaspar..." Natahimik ako sa sinabi ni Sir.


"Pasensiya na po sa sinabi ko." Napabuntunghininga si Sir Justice. Nakita ko ang lubhang pag-aalala kay Ma'am Lemuela.


"Huwag mong itong sabihin kay Lee."

"Sir..."


"Ayokong dagdagan pa ang alalahanin niya.Masyado ng mabigat ang mga pagsubok na pinagdadaanan niya at baka hindi na niya kayanin...Kay Ava, sa mga nangyari sa kanya at heto, ang lihim na plano ni Ava. Madalas silang mag-away...Kapag nalaman ito ni Lee, baka magpang-abot na sila. Hindi na namin alam kung paano sila aawatin kapag nagkatutukan na sila dito."


"Sir..."


"Kapag kay Ava, napapraning siya. Masyado siyang mahina. Hindi gumagana ang isip niya. "


"Hay, nakakatakot po palagi si Sarge."


"Pasensiya na kasi ganyan talaga ma-inlove ang mga Lorenzo. Praning sa babae, puso lang ang gumagana."Sabi ni Ma'am Lemuela at ngumisi ito kay General .


"Ako na naman ang nakita ko."


Alam ko na kung saan nagmana ang mga anak nilang lalaki.


"Tahimik ninyong gawin ang mga trabaho ninyo. Labas ito sa trabaho ninyo sa presinto. Bibigyan ko kayo ng sweldo sa ipinapatrabaho ko sa inyo at para sa ekstrang oras iginugugol ninyo sa imbestigasyong ito."


"Sir, ginagawa lang din po namin ito para makatulong kay Sarge. Alam naming masyado siyang dismayado sa naging kaso noon ni Danica at hanggang ngayon ay wala ngang nangyari doon. At mukhang pinapasok na ni Ava ang mismong mundo natin para makamit ang katarungan."


"Hindi siya nalalantad sa karamihan. Masyado siyang tuso."


"She thinks like a killer. But acts like a real policewoman."


"Perfect disguise, walang makakaisip na minsan siyang naging biktima ng krimen na pinabayaan ng mga pulis."


" Mga pulis na sinuhulan para manahimik. Hay, anghirap kumilos at magtrabaho kung may kasama kang bulok at gahaman sa pera."


"Kaya, mag-iingat kayo kay Mike at Mira."


"Traidor talaga ang dalawang iyon."



Nakakasakit talaga sa ulo ang mga ganitong kakomplikadong mga misyon. Hindi ko naman mapahihindian si General. Naging napakabait niya sa mga kapulisan noong termino niya. Saludo ako sa kanya. Maging kay Sr/Ins. Just Ice Lorenzo eh humanga rin ako. Kay Lee, sa larangan ng pag-iimbestiga... wala akong masabi sa pagtitiyaga niya. Kay Jazzy... never mind. Naku, isa pa iyon... wala silang tulak-kabigin ni Ava. Matunog ang pangalan nila sa presinto dahil pinagdidiskitahan din sila ng mga lalaking pulis na kasama nila sa kani-kanilang departamento. Hindi nga lang makanti ng iba kasi Lorenzo siya at si Ava... walang duda, alaga ng mga Lorenzo.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon