LEMUELA'S POV
Hindi ako makapaniwala sa narinig kong iyak ng bata. Akala ko ay nananaginip lang ako. Ginising ko si Justice. Pareho kaming nananahimik.
"Naririnig mo ba 'yong naririnig ko, Justice?" Inuuga ko siya sa kutson at pilit na ginigising. Kinikilabutan ako. First time lang na nangyari iyon. Kahit noong mga bata pa sina Lee ay wala namang nagpaparamdam doon maliban sa ngayon.
"Antok ka lang, Lemuela..."
"Hindi ngaaaa! May narinig akong iyak ng bata. Bumangon ka nga dyan." Sumilip pa siya sa kanyang relo at bandang alas dos pa lang ng madaling araw.
"Uy, Lemuela... Bagong tactic 'yan ha . Di ngaaa, gusto mo ba? Aminin!" Kung anu-ano pa ang iniisip nitong lokong ito. Itinulak ko nga siya dahil niyayakap na niya ako. Isinuksok ang kanyang kamay sa aking hita.
"Ikaw, matanda ka na nga, malibog ka pa rin..." Bumaba ako ng higaan. Kinuha ko ang aking robe at sinilip sa ibaba. Nakita kong bukas ang ilaw sa sala at may hawak na bata si Lee.
Kinutuban kaagad ako. Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa. Nanay din ako. Hindi iiwan ang bata na iyon sa tapat ng aming gate ng walang dahilan. Walang makapagpatahan sa bata maliban lang ng itabi siya kay Lee ng gabing iyon. Sa loob na rin ng kuwarto ng binata natulog si Jazzy. Nag-alala ako kaya kinuha ko na lang ang bata at sa amin itinabi ni Justice.
"Mmmm, bakit ba kanina ka pang titig na titig sa bata?"
"Wala lang..."
"Sige na, sabihin mo na Little Ms. Frosty. Tell me what's on your mind?"
"Justice, this is just a silly... Aaahhh how would I say it? Sa mga telenobela ko lang naman iyon napapanuod. Sa tingin mo, possible kaya?"
"Ano ngaaaa!"
"Pssst! Huwag kang sumigaw baka magising ang baby." Sa unang pagkakataon ay magtatabi kami ng sanggol sa higaan. Ni isa man sa mga anak namin ay iniwan namin sa kanilang mga kuna noong mga baby pa sila at hindi man lang namin sila naitabi ng ganito kabata.
"Remember , wala tayong nakitang bangkay ni Danica. All of a sudden , inilabas na lang siya sa ospital, saying that she is dead... and what if?"
"What if..."
"What if she is alive... nagbuntis siya when she was raped..."
"And..." Inilapit ni Justice ang kanyang mukha na parang sinusuri ang facial expression ni Lemuela.
"Posible 'yun di ba?"
"You know what, I have never seen you watching Kdrama pero para kang adik... Yung totoo..."
"Huwag mo nga akong niloloko. "
"Iniisip mo na baka anak ito ni Danica?"
"OO... Posible naman di ba? Well, there is a chance na mabuntis 'yung mga babaeng na-raped and remember, bago siya ma-rape... may nangyari sa kanila ng anak natin."
"Hay naku, Lemuela... Hindi ko alam na may pagka-writer ka pala. Kung kailan ka tumanda, saka pa gumana ang imahinasyon mo..."
"Justice...."
"O, ano na naman? Matulog na tayo. Tulug na tulog na 'yung bata. Matulog na rin tayo."
"Justice..."
"Ano nga?" Bigla kaming nagkatitigan. Nakakaloko ang mga ngiti ni Justice. " Lemuela,baka puwedeng makaano? Sige na...."
Nahulog ang dalawa sa carpet. Walang kaalam-alam ang inosenteng sanggol sa nangyayari sa sahig. Himbing na himbing siya kahit may ungol sa loob ng kuwarto. Hindi siya gumalaw sa kanyang higaan. Pagkatapos ng maiinit na sandali, dahan-dahang pumuwesto ang dalawa sa kama at natulog din ng mahimbing at magkayakap sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mistério / SuspenseHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...