PUSH THROUGH

101 5 0
                                    

JUSTICE' POV



Pinupursigi ni Roman na maikasal na sina Ava at Simeon may nangyari na kuno sa kanila dahil sa magkatabi silang natulog. Eh puwede din namang walang nangyari at natulog lang talaga. Not with Ava. Hindi siya papayag ng ganoon na lang.



Kinausap niya ako tungkol sa mga magulang ni Ava dahil tahimik ang kanyang binata tungkol sa pagkatao nito.



"Justice, may balita ba kayo sa mga magulang ni Ava?"


"Roman, sa pagkakaalam namin ay ulila na si Ava."


"Eh paano si Leeah?"


"Si Leeah ay lumalabas ng adopted child ni Lee . Siya ang umakong ama nito hanggang sa lumaki."


"Ah ganoon ba? Anong balita sa ama ni Leeah? Nagpapakita pa ba kay Ava?"


"Makabubuti siguro na si Ava na lang ang tanungin ninyo tungkol dyan."



Ipinatawag din namin si Ava. Pagkatapos ng duty nito sa presinto at dahil wala naman daw lakad ang kanyang tropa, maaga siyang dumaan. Wala pa noon si Lee.



Si Ava ang kinausap namin ng masinsinan kung plano na ba talaga niyang lumagay sa tahimik kasama si Simeon.



Nasa loob kami ng library. Inabutan niya kami ni Lemuela na nanunuod ng mga old videos namin sa mga out of town vacation ng pamilya namin.



"Mama, Papa" Bumati siya at hinalikan kami.


"Mabuti naman at maaga ka."


"Wala pong masyadong trabaho ngayon kaya nagpaalam na lang ako ng maaga para makadaan pa po ako sa inyo."



Face to face kami nina Ava, kaming tatlo nina Lemuela.



"Para saan po at kakausapin ninyo ako?"


"Ava, plano mo na ba talagang magpakasal kay Simeon. Sigurado ka ba?"


"Mama..."


"Irerespeto namin ang iyong pasya kung iyon ang gusto mo." Sabi ni Lemuela.


"Ako ang tatayo bilang iyong ama...Ako ang maghahatid sa iyo sa latar. May nangyari ba sa inyo ni Simeon?"


"PO! " Gulat na gulat ako sa reaksyon niya. Napahagalpak siya sa tawa. "Sorry po..."Pinigilan niya ang kanyang tawa. "Kaya po ba ninyo ako kinausap para lang dyan? That is so absurd. Kapag po ba nagtabi ang lalaki at babae kailangang may mangyari?" Nagkatinginan kami ni Lemuela dahil kahit siya ay hindi rin naniniwala sa ganoon. "To tell you honestly, kung si Lee ang katabi ko ng gabing iyon, Yes and without a 100% doubt, may mangyayari nga sa amin at bibigay ako sa kanya. But with Simeon, when I say NO, he would do as I say." Napangisi si Lemuela. Napatingin na naman siya sa akin.

"So, it will not be possible that you will get pregnant anytime?"

"OPO... Hay sina Papa at Mama naman eh" Sinimangutan ako ni Ava at nilayasan kami ni Lemuela.

"Ito talagang si Roman, mapanghusga masyado. "

"See, hindi lahat ng babae, bumibigay sa lahat ng lalaki kapag magkatabi sila."

"At naniniwala ako na hinding hindi niya mapahihindian si Lee...Tsk!Tsk!Tsk!"

Matapos makipaglaro ni Ava kay Leeah at matapos nilang sabay magmieryenda ay nagpaalam na rin ito.

"Leeah, be good kina Lolo at Lola ha!"

"Yes, Mommy..."

"Huwag magpapasaway kay Daddy."

"Yes, Mommy..."

"Aalis na si Mommy."

"Mommy ,when will you stay here for weekend?"

"Mommy will let you know, pero hindi muna ngayon anak kasi may work ako. Pagsuweldo ko, lalabas tayo with Tito Simeon."

"How about Daddy? Hindi ba natin siya isasama?" Tinitigan lang niya si Leeah. Hindi na kinulit ang ina.

"Lagi po bang late umuwi si Lee?"

"Hindi ko nga alam kung saan nagpupunta ang lalaking iyon?"

"Nagkabalikan na po ba sila ni Eve?'

"Danica , mukhang malabo na silang magbalikan ni Eve. Nahuli niya si Eve na nakikipagkita kay Kai."

"Talaga po!"

"Gusto sanang magfile ng annulment case ni Lee pero nagkasundo silang magbiyenan na hiwalayan na lang ng tahimik si Eve dahil makakakaladkad ang apelyido nila at malalamang third party pa ang dahilan ng paghihiwalay nila."

"Kaya ikaw? Siguraduhin mong tama ang desiyon bago ka mag-asawa dahil until death do us part na 'yan. Kamatayan lang ang maghihiwalay sa inyong dalawa. Hinid kayo puwedeng paghiwalayin ng kung sino sinu pang party dyan"

Nabunutan ako ng tinik ng makausap namin si Ava. Nakasisiguro kami na anuman ang mapag-usapan namin sa susunod ay para sa ikabubuti nilang dalawa.

LEMUELA'S POV

Pagdating ng weekend na dumating ay muli kaming nagkaharap-harap nina Roman.

"Bakit nandito na naman sina Tito Roman? Can't you go somewhere else para mag-usap kaysa dito pa kayo sa mansion at kasama pa sina Simeon at Ava." Iritableng sabi ni Lee.

"Huh, selos ka na naman..."

"Talaga! Inaamin ko naman na nagseselos talaga ako. "

"Iho, makinig ka sa akin. Ang pag-ibig ay mapagpalaya. Don't be too unfair with Ava...Danica deserves to be happy just like you."

Nagkasundo kami na magpakasal na ang dalawa yaman din lang naman na palagi din pala si Simeon sa bahay ni Ava. Ang ikinatatakot ni Alexa ay baka maulit muli ang insidente noon ng pasukin si Ava ng mga di kilalang lalaki upang paslangin.

"Iha, hindi kami makakapayag na muli iyong mangyari sa iyo. Baka nga nagpapalamig lang ng sitwasyon ang grupong iyon at aatake sa panahong hidni mo inaasahan."

Wala nang nagawa si Ava. Alam ko ang nasa isip niya. Ayaw pa talaga niya dahil nag-iisip-isip pa din siya.

Tinanong ko siya kung alam na ba ni Simeon ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao, kay Leeah at kung ano ba talaga si Lee sa kanya.

"Mama, sasabihin ko po ang totoo sa tamang panahon."

"Mainam kong ganoon. Atleast mapatutunayan mo kung hanggang saan ka mamahalin ni Simeon."

Pero nakikita ko kay Simeon ang tunay at totoong pagmamahal bagamat nahahaluan na rin ito ng pagseselos dahil kay Lee.

Mortal talaga silang magkaaway. Hindi lang halata at ayaw lang nilang aminin.

pg[gyK'

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon