3RD PERSON'S POV
Dumating ang pamilya Lorenzo sa ospital habang nasa operating room si Ava. Tinatanggal ang punglo ng bala na bumaon sa kanyang balikat at daplis lang naman pala sa hita. Kaya lang sugatan ang kanyang talampakan dahil sa bubog.
Naiwan si Justice sa ospital habang umuwi na sina Lemuela para makapagpahinga si Leeah. Sumama rin si Lee. Magkasunod sila ni Jazzy.
"Sino kaya ang magtatangka sa buhay ni Ava?" Tanong ni Jazzy.
"Mukhang delikado na siya sa bahay na iyon." Sabi ni Lee.
"Sino ang may matinding galit sa kanya para ipapatay siya?"
"Jazzy, ikaw muna ang bahala kay Leeah ha!"
"Kuya, saan ang punta mo?"
"Basta..."
"Kuya..."
HALLYUTOWER
Madaling araw na ng marating ni Lee ang HallyuTower. Nagulat siya nang makasalubong niya si Kai. Nakaputing tila jumpsuit ang kanyang suot, nakakulay blue ng panloob at nakasuot din ng puting boots. May headset sa tenga, may mga blingbling siyang suot at halatang basa ang kanyang malagong buhok . May nakasubong lollipop sa kanyang bibig. Pinindot ang isang button sa cellphone, "Dito na ako sa parking area. " May mga alalay siyang kasama, naka-black jacket silang lahat at tila mga goons na naka-black eyeliner pa.
Pagpasok niya ng condo ay nagulat pa si Eve. Naka-see through siya ng pantulog. Wala siyang bra at nakaitim siya ng panty. Parang katatapos lang ng labanan sa kama at nagmumuni-muni siya sa sala.
"Lee..." Napatalon siya sa tuwa. Yumakap siya leeg ng asawa. "I miss you , Honey. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain kita." Nagpunta siya sa kusina.
"Anong ginawa dito ni Kai?"
"Lee..." Gulat na gulat ang hitsura ni Eve.
"ANONG GINAWA DITO NI KAI? Sumagot ka! " Hawak ni Lee sa braso ang asawa. Amoy na amoy niya ang naiwang pabango ng lalaki sa loob ng makasalubong niya ito sa parking area.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo..." Pagkukunwari pa ni Eve ngunit nanginginig siya habang hawak ang plato.
"Huwag mo akong gawing tanga... " Sigaw niya. " Bukas, I'll come and see you... Maaga ka at huwag kang mali-late. Pupunta tayo sa Mommy at Daddy mo."
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...