FB: EVIL PLOT

114 9 0
                                    

 MIRA'S POV



Nagkamalay si Danica matapos niyang mag-convulsion. Napakalakas niya. Sa kabila ng tinamo niyang saksak sa katawan , mga pasa at paso, talagang lumaban siya. Sa tingin ko, hindi pa niya talaga oras. Mahal siya ng Diyos kung ganoon. At ako, lahat ng gusto ko ay hindi kailanman naging akin. masyadong mailap sa akin ang mga pagkakataon.



Kung hindi pa ako magsisikap sa pag-aaral at hindi mag-wo-working student, hindi ako makakapag-aral. Hindi ako magiging isang ganap na obgynecologist. Secondary na lang ang pagiging forensic ko kaya ako nakapasok sa Crime Lab. Si Lee ang nakaimpluwensiya sa akin na pumasok sa pagiging pulis. Ah hindi , pumasok lang ako sa pagpupulis dahil gustong gusto ko siya. Kaya lang sa tingin ko, wala talaga akong appeal sa mga lalaki. Ni walang manligaw sa akin samantalang maganda din naman ako. What's wrong with me?



Nang makita ko siyang nakaratay sa kama, hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ang kanyang kalagayan kasi siya lang naman ang babaeng nakakuha ng atensyon ni Lee. Imagine mo, ang dalagang ito ang karibal ko sa puso ni Leeam Juz Lorenzo.



Maawa man ako, nangingibabaw ang inggit na sana ay ipaubaya na lang niya sa akin si Lee. Napuna ko na tila may gusto siyang ibulong kahit hinang hina siya. Hindi niya kayang igalaw ang kanyang braso maging ang kanyang katawan.



"Danica, magpalakas ka muna at huwag mong piliting magsalita. Makakasama sa iyo ...."



Ngunit nagpumilit si Danica. Sumungaw ang luha at bumalon ito sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. Hindi na ako nagdalawang isip. Tinulungan kong mailabas si Danica sa ospital para palabasin na siya ay tuluyang namatay after niyang mag-convulsion. Madaling patahimikin ang mga tao gamit ang pera. Pinagsuot ko ng maintenance uniform si Butler Drexel at Madame Whitney upang maibaba kaagad si Danica sa isang pribadong sasakyan na walang plaka.



Ako ang naghanda ng mga dokumento. May under the table na ito dahil ASAP ang lahat at highly classified. Ibig sabihin TOP SECRET. Under ng witness protection program si Danica ayon na rin sa request ng kanyang mga abogado. Mayaman sila at kaya nila itong gawin. Pumayag akong magpagamit basta't pulido ang kanilang plano at hindi ako sasabit.



Ang mahalaga sa lahat ay magiging akin si Lee sa bandang huli.


Kalilimutan niya si Danica.



At risk ang buhay niya ngayon, malalakas na tao at maimpluwensiya ang mga magulang ng mga batang kanyang inihabla kaya labindalawa versus isa... anong laban niya? Puwede siyang ipapatay ng mga ito. Sino ang magtatanggol sa kanya? Sino ang kakampi niya. WALA. Ang loyal na kasambahay nila na sina Whitney at Drexel na lang ang kasama niya.



Kapalit ng lihim na iyon ay si Lee.


Wala ng iba akong hihilingin kundi siya.


Kung mawawala siya, inaasahan kong makukuha ko na ang atensiyon ni Lee.


Iyon ang pagsisikapan kong makuha.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon