3RD PERSON'S POV
Umupa si Eve ng private investigator. Hindi pa rin niya mapaniwalaan kumbakit manatili ni Ava sa mansion. Lalo siyang nanggalaiti kay Ava dahil naagaw nito ang atensyon ng pamilya ni Lee. Hindi rin alam ng dalaga ang tunay na dahilan kumbakit ganoon sila kagiliw sa dalaga at super close sila ni Jazzy.
Na-iskandalo tuloy ang family get together ng pamilya Lorenzo ng biglang sumulpot ang manugang sa harapan nila na dati ay iniiwasan niyang daluhan.
Nagkatinginan ang lahat.
"WHAT?"
"Hindi ba ako invited?"
"Ano bang sinasabi mo , Iha? halika dito... mabuti naman ang libre ka ngayong araw" Sabi ni Lemuela. Ayaw lang niya ng gulo. Isinama ang babae sa mesa nila.
"Nasaan si Lee? Saan ninyo siya itinago?"
"Dapat sa persinto ka naghanap ng nawawalang asawa...ipa-blotter mo, di ba?' Sabi ni Xity, siniko siya ni Jude.
"Huh! sino ka ba pipitsuging fashion designer?" Ininsulto si Xity.
"Excuse me... How dare you? How can you say na pipitsugin ako, sana tiningnan mo ang damit na suot mo. Bigay ba ni Lee ang pipitsuging damit na 'yan para sa pipitsugin niyang asawa mula sa pipitsuging fashion designer kamo... Who the hell are you?" Nagpakita ng pagkasuplada si Xity.
"Xity , huwag mo nga siyang patulan."
"Kaya ka ipinagpalit ni Lee sa iba ay dahil kakaiba talaga ang ugali mo, Doktora. Terible! You need a doctor, psychiatrist in particular."
"Hay naku isa pa itong mapagpatol. Tumigil ka nga."
"Lee... magpakita ka sa akin. Lumabas ka dito." Sigaw niya.
Samantala, kagigising pa lang ni Lee. Puyat na puyat siya dahil sa dinaluhan nilang event ng mga kapulisan. nagkainuman kaya tanghali na siyang gumising. Hindi na siya nakasamang magsimba.
Habang nagwawala sa bakuran ay nasa swimming pool naman ang tatlo, sina leeah, Ava at Jazzy.
"Grabe ang galing lumangoy ni Leeah...' Tuwang tuwang sabi ni Ava.
"Who taught how to swim?' tanong ni Ava.
"Daddy taught me..."
"So, daddy must be really good in swimming ha!"
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...