GASPAR'S POV
Tama si Ava. Masyado talaga kaming inaalat sa impormasyon at ebidensiya noong kaso niya ang hawak namin. I can say this kasi kilala ko si Ava bilang si Danica. Hindi alam ni Ava na si General ang nagpahanap sa kanya. Nabanggit man siguro ni Ma'am Lemuela, hindi pa rin niya babanggitn iyon kay Ava. Hindi ko alam kay Sr/Ins Lorenzo kumbakit niya inilipat si Ava sa amin. Mahirap ang kalagayan niya sa Investigating Team. Unang una sa lahat , ayaw niya doon dahil wala siyang tiwala sa amin. Pati ako at pinagdiskitahan niya. Kesyo wala daw kaming silbi at papogi lang kami. Gusto kong mainis sa sinabi niya. Nakakapang-init ng ulo ang sinabi niya. Kung hindi lang siya babae ay talagang papatulan ko na. Patulan ko man siya lalaban siya ng patas. Magaling pa naman daw siya sa judo at kung sa baril naman, may ibubuga siya dahil nakipagsabayan sina kina Ma'am Lemeuela at Jazzy. Mangingilag ka din kasi balitang balita iyon sa buong academy.
Kung alam lang ni Ava kung paano kami nagpuyat para lang sa mga ginagawa naming imbestigasyon, hindi niya kami mamaliitin ng ganito. Talagang nagtaka din kami kumbakit nawala ang mga ebidensiya hanggang sa tuluyang ma-dismiss ang kaso niya. Nawalan na ng pag-asa si Lee hanggang sa pabalikin siya sa academy. Hindi na niya trabaho ang pag-iimbestiga. Tinulungan niya kami kasi kaso ito ni Danica.
Higit sa lahat, hindi siya puwedeng sa departamento ko. Masisilip niya ang mga confidential files ng isinasagawa naming imbestigasyon. Malalaman niya ang tungkol sa kanyang sarili at ang lihim naming pagmamanman sa kanya. Pero hanga kami sa tiyaga niya. Sabi niya wala siyang tiyaga pero ang totoo, pinakamatiyaga siya sa lahat ng nakilala ko. Halos isang taon niyang pinagtiyagaang sundan ang EXO – Gang... Iyon ang sinasabing nanggahasa sa kanilang dalawa ni Angel. Ang pumatay sa kanyang bunsong kapatid. Pero nakakatakot dahil mukhang may isa nang nasampulan. Ang mahirap nito, baka inuumpisahan na ni Ava ang paghihiganti ng hindi namin nalalaman kaya pati kami ay sinusubukan niya kung mahuhuli namin siya.
Kay General ko sinabi ang lahat ng takot ko habang nasa poder ko si Ava.
Hindi ko inaasahang maglalabas siya ng sama ng loob sa investigating team. Mabuti at kami lang nina Jino at Jhopet ang nandoon. Hinayaan ko siyang magsalita. Gusto kong malaman kung ano ang impression niya sa depsrtamento namin.
Nagbackground check ako kay Lee kung ano ang ugali ni Ava. Medyo palaban nga siya. Hindi ko siya masisisi... pati din si Lee ay sumuko sa imbestigasyon sa kaso niya.
"What do you think?" Nasa canteen kami ng academy at seryosong nag-uusap.
"Ganoon talaga ang ugali niya? Mahilig manubok..."
"Kung magsalita..."
"Akala mo maraming alam..." Hindi ko binanggit kay Lee ang secret room sa bahay ni Ava tulad ng kasunduan namin ni General at umpisa na si ChanYeol.
Pati si Lee ay nagtatanong na rin kung ano ang resulta ng imbestigasyon. Nalaman kong kinompronta ni Lee si Ava. Kinuwestyon na naman niya ang kredibilidad ni Lee bilang imbestigador. Muntik na silang magpanga-abot.
Pinuntahan ni Ava ng suspek sa nangyaring pamamaril sa kanyang kasal na ikinasawi ni Simeon. Hindi napigilan ni Ava ang maging violente.
Kinausap ako ni Sr/Ins. Lorenzo. Pinag-iingat ako. Siguraduhin kong iniingatan ko ang vault ng classified documents tungkol sa mga kasong hinahawakan namin.
Nagkita –kita kami sa Club Roman.
Nakita namin doon si Ava. Mukhang anglakas niyang uminom kahit mag-isa. Hindi nangingiming uminom doon kahit siya lang ang babae. Sabagay, si Ava pa ba naman eh kung umasta parang hindi babae kahit ubod ng ganda. Amasona... yun ang perfect noun para ilarawan siya...
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Misterio / SuspensoHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...