AVA'S POV
Namasyal kami nina Jazzy sa mall ng araw na iyon. Binilinan kaming mabuti na mag-iingat dahil baka umatake ang kalaban sa lugar at oras na di namin inaasahan. Ayaw din naming maaksidente lalo pa't may kasama kaming bata.
"Ingat kayo ha! Ava always be observant in all area. Don't trust anyone. Nasa likod mo, nasa harap, sa kaliwa at kanan. Secure yourself ang Leeah. Jazzy, be on guard." Tumango kaming pareho sa mahabang bilin ni Papa. Ayaw kasi naming umalis na may kasamang body guard.
Tinalakan ako ni Lee sa telepono.
"Bakit hindi kayo nagsama ng bodyguard?"
"Kasama naman kami ni Jazzy eh"
"Sarili lang ninyo ang iniisip ninyo." Sigaw niya sa kabilang linya. Lagi na lang mainit ang kanyang ulo. Kulang kasi siya sa kiss sabay hug, at higit sa lahat mukhang natutuyuan na siya sa SEX. Iwan ba naman niya ang kanyang asawa eh di lalo siya on-diet.
"Maaga kayong umuwi nina Jazzy at ingat ninyo si Leeah. "
"Sir Yes Sir."
"Ava..."
"Yes..."
"Ingat ka..." Hindi na ako umiimik kapag ganoon ang salita niya. Pinapatayan ko kaagad siya ng telepono.
Na-enjoy namin ang paglabas. Matagal-tagal na rin kasing busy si Jazzy sa trabaho at wala na siyang time para magrelax kaya niyaya ko siyang ilabas si Leeah.
Habang nasa icecream house... "Jazzy, kumusta kayo ni Melvin? Naging kayo ba?" Lakas ng tawa ni Jazzy. Doon ko nalaman na hinalikan siya ni Melvin dahil iyak siya ng iyak dahil nami-miss niya ako. Nagkasukatan sila ng lakas at maging siya ay dinala sa Discipline Officer dahil nakakaiskandalo nga naman naman ang ginawa ni Melvin. Ni-lips – to – lips daw siya nito sa loob ng klase. Talagang nagwala siya at napamura. Ni hindi nga daw siya humalik kay Melvin.
"Kumusta na ? Naging kayo ba?"
"Hindi...Umakyat siya ng ligaw sa mansion pero bago siya umalis, basted din kaagad."
"Hahahaha, tingnan mo nga naman. "Yong pang-aasar palang iyon ni Melvin eh dahil crush ka niya."
"Hindi ko man lang naramdaman, Bes..."
"Manhid ka kasi... Atsaka siguro kasi wala siyang dating sa iyo. What about now?"
"Hayun, malapit ko na siyang tutukan ng baril. Naiinis na ako sa kanya eh."
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Misterio / SuspensoHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...