SHOCKING ENCOUNTERS

139 9 1
                                    

AVA'S POV



Sa academy, naging irritable tuloy ako. Sa gym ako nagpunta at nagpractice ng karate. Pinagdiskitahan ko ang mga ka-sparing ko.



"Uy, Ava... nakakasakit ka na. Sparing lang ito. Parang tinututuoo muna."



Si Lee pa ang nakasalubong ko. "Miss Ava, thank you pala for coming over to visit Leeah. Bigay niya sa iyo. Handmade card para sa akin."



Itinago ko kaagad ang card matapos kung tingnan. Nagmadali akong naglakad. Sinundan niya ako pero umiwas ako. Gusto kong amining nagseselos ako. Hindi niya kilala si Danica kapag nagseselos .



"Are you free later?"


"Puwede bang huwag mo akong paglaruan? Wala na tayo sa web crawl..."


"Masyado ka namang masungit..."


"Tigilan mo nga ako, Sgt. Lorenzo. Malapit na akong mapikon sa iyo ha!"


"At bakit anong gagawin mo? "HInila niya ang hintuturo ko at aktong isusundot sa ilong niya. Buwisit na 'yon. Makapang-asar lang talaga!



Dumaan muna ako sa simbahan para magpasalamat dahil ligtas ang aking anak. Nagtirik ako ng kandila at muling hiniling ang patuloy niyang paggaling. Hindi ko binanggit kay Whitney na sa mansion ako nanggaling . Habang naglalakad ako papuntang parking area, nakarinig ako ng halakhakan ng mga kalalakihan.



"Ano ba? Layuan mo nga ako" Dinig na dinig ko ang malalakas na ugong ng madaming motorsiklo. Nakita ko ngang pinaikutan nila si Ms. Sampaguita Girl. Gabing –gabi na kasi at nakalabas na ang mga nagsimba para sa huling misa ng araw na iyon. Alas otso pa lang ng gabi ay nangbibiktima na kaagad sina Kai. Wala talaga silang takot dahil mas natatakot ang mga tao sa kanila. Labindalawa laban sa isa. Anong laban niya?



Sumulpot ang grupo nina Kai at pinaikutan si Valerie. Hawak na ni Kris si Valerie ngunit mabilis ko silang napatumba lahat. Sinipa ko ang kanyang motorsiklo. Tumalsik siya. Humagis din si Valerie. Tunayo kaagad si Valerie at kumapit siya sa akin. Hindi ko sila uurungan. Nahaklit ko ang ulo ni DO. Kung kaya ko lang bunutin ang buhok niya, bubunutin ko talaga lahat. Madami –dami akong buhok na nakuha sa kanya. Kulang pa iyon. Kapag nagkita kami, kakalbuhinko talaga siya. Tumba siya sa motorsiklo. Itong si Kai, naglololipop na naman kaya isinalaksak ko sa bibig niya ang lollipop. Kung mamamatay siya sa bulon, suwerte atleast walang dumanak na dugo sa kanya.



Pinag-untog ko sina Chen at Tao...Binigyan ko ng solidong suntok sina Lay at Xiumin. Tinadyakan ko sila sa mukha dahil binuhat ako ni ChanYeol. Akala yata niya, matatakot ako sa kanila. Nasabunutan ako ni Suho. Nasampal ako ni Baekhyun pero putok ang nguso niya sa isang solidong suntok mula sa kaliwa kong kamao.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon