LEE'S POV
Late na akong nakabalik sa mansion at kanina pa pala akong hinihintay ni Mama sa sala. Sinalubong niya ako. Matapos naming mag-usap na may kasamang sigaw at sermon kay Mama at naghanda na rin ako.
Ibinabad ko ang sarili ko sa ilalim ng shower. Gusto kong mahimasmasan. Gusto kong magising sa katotohanan kung nananaginip ba ako ngayon at baka ako bangungutin. Isa itong malaking bangungot. Ang araw na ito ay araw ng pagkabilanggo.
Nasa loob ng kuwarto ko ang gray tuxedo na ipinatahi para sa kasal ko ngayon.
"Tssss...." Hindi ko type ang mag-tuxedo, masyadong pangmayaman at high profile. Lumabas ako ng kuwarto ko at nakasalubong si Jazzy.
"Kuya, mukhang Biernes Santo naman ang mukha mo..."
"Wala kasing basagan ng trip."
"Saan ka ba kagabi? Naku pati ako eh tinawagan ni Eve."
"I spend the night somewhere na komportable ako."
"Kuya, mahal mo ba si Eve kaya ka magpapakasal sa kanya?"
"Kailangan ba?"
"OO naman. Ikakasal lang ako sa lalaking mahal na mahal ko. Magkakamatayan kami kapag ipinagpilitan niya ang gusto niya kahit ayoko."
"That's the right decision to marry."
"You mean, there's nothing..."
"Ow come on Kuya, why do you have to pretend?"
"Better this way..."
"Not a right option for you to start a new life with someone you didn't even know and love."
"Kaya nga huwag mo akong gagayahin."
"Terible ka talaga!"
Sakay kami nina Jazzy at Leeah sa Mercedez Benz samantalang sina Mama at Papa ang magkasama sa itim na Black Mustang.
"Daddy, angganda ng damit ko di ba?"
"Yes, Anak. Be good to Mommy Eve, okay!"
"Daddy, I heard you cried today. Don't cry. I love you..."
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...