JAZZY'S POV
Late na akong nakauwi kagabi. Ini-expect kong tanghali na akong gigising. Alam kong Sabado bukas at wala akong duty sa presinto at iyon ang pinakahihintay ko sa lahat.
Nagising ako sa ingay na likha ng mga estudyante ni Kuya. Madami namang training grounds dito pa sa likuran ng mansion niya naisip. Sa halip na natutulog pa ako, nagising tuloy ako ng maaga dahil bigla ding nagising si Leeah at hinanap si Kuya.
Bumaba kami at nakita kong nag-aalmusal na sila ni Eve. Naka-sporty shorts na puti ang babae at sleeveless cotton na kulay black. Simple ang kanyang pananamit pero kung kumilos , halatang aristokrata. Mayaman talaga ang pamilya nila.
Pag-aari niya ang clinic kung saan naming pinatsi-check up si Leeah.
"Hmm, mabuti at gising kana. Tumao ka naman sa infirmary mamaya. Baka may masugatan eh. "
"Kuya naman eh. Gusto ko pang matulog. Bakit mo kasi iniwan si Leeah tingnan mo, ako tuloy ang pinuntahan niya ? Mama, gusto ko pa pong matulog."
"Kailangan ko nang medic..."
"Bakit hindi ka nag-request ng medic? Eh alam mong may activity kayo? Bakit hindi mo pinasama ang school nurse natin sa academy?"
"Kasi alam kong nandito ka naman... pleaseeeee!" sabay kindat kay Eve at hinaplos ang hita nito pababa ng tuhod. Ang aga-aga , sumisimple ng pananamantala sa hita ng girlfriend niya. Sus, ang gf naman niya mukhang atat na atat sa kanya at dikit na dikit ang dibdib sa braso niya. Ewwww! Lalo lang akong nainis sa kanilang dalawa. Hindi sila sweet. Mukhang silang peke sa isa't isa. Sarap nilang pag-umpuging dalawa para matauhan.
Wala akong nagawa sa hiling ni Kuya. Sumabay na akong mag-almusal at ako ang nag-asikaso kay Leeah. Busy sina Mama at Papa sa follow up operation nila. Hindi na ako nagtanong kasi may ibang tao. Bawal iyon sa amin at hindi rin siya dapat pag-usapan sa harap ng kainan.
Ganito ang training namin sa bahay. Parehong matitindi ang mga trainors namin. Isa lang namang general at isang secret agent. Matinik na secret agent/ sniper/ forensic/ballistic expert/ police at higit pa sa lahat ng slash, nanay at tatay namin. Obey without complains...
"TIta, I like hotdog..." Sabi ni Leeah.
Kasalukuyan ng nagdya-jogging ang mga estudyante ni Kuya. Maaga talaga sila. Takot lang nila kapag hindi sila sumunod. Madaling araw pa lang ay nagdya-jogging na sila. Kita ko sila sa bintana. Dinig ko ang chant nila. Maaga pa lang busy na rin ang kusina. Daig pa namin ang may catering mamaya. Galing iyon sa budget ni Kuya.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mistério / SuspenseHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...