LEMUELA'S POV
Sinundo namin ang mag-anak sa terminal ng airport. Masaya kami dahil nakabalik na silang tatlo. Tinawagan ako ni Justine kung magkakaroon ba kami ng get together sa pagdating ng mag-asawa. Nang bagong kasal mula sa Hongkong. Pero doon pa lang ay sinabi kong hindi natuloy ang kasal nila dahil hindi pumayag si Ava.
"Huh, bakit?"
"Ewan ko sa kuya mo? Hindi pa siya nagkukuwento. Busy pa kay Ava."
"Ay, mama... Hindi pa ba buntis si Ava?"
"Naku, sabi niya sa van .. not AGAIN... Halatang ayaw..."
Hindi ko napigilan ang kapatid ni Lee at maging ang kanyang mga hipag na kumustahin ang kanilang biyahe at ang naging bakasyon nila.
Kinalingguhan, hindi na kami nagulat ng sugurin kami ng tatlong pamilya nina Ice, Jude at Justine...
Sari-sariling dala ng pagsasaluhang pagkain ang mag-anak, good po atleast 10-15 persons kasama na ang mga bata. Madami silang dala ... tigdadalawang putahe bawat isa sa kanila, may mga prutas, salad at coolers para sa mga inumin. Hindi naman maiiwasan na hindi magkaroon ng inuman. Tiyak na magyayaya si Justice ng inuman lalo pa't buo ang kanyang mga anak sa araw na iyon.
Nagpahanda na rin kami sa kasambahay ng karekare na paborito ng buong mag-anak at maging sina Ava at Leeah ay paborito din ito.
Tuwang – tuwa si Leeah na makita ang kanyang mga nakatatandang pinsan. Siya na ang pinakabunso sa mga magpipinsan maliban lang kung mag-aasawa na rin itong si Jazzy. May mga binata't dalaga na sa mga apo namin. Ang mga anak ni Ice at Shandy ay malapit na ring magtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa kanilang magkakapatid na daw matatapos ang linya ng pagpupulis ng pamilya Lorenzo. Pero hindi mo iyon masisiguro, tiyak na may uusbong at uusbong na panibagoong henerasyon ng pulis na Lorenzo. Hindi man sa mga anak nila o baka sa kanilang mga apo. Hindi iyon mapipigilan lalo pa't nananalaytay sa dugo namin ang pagpupulis.
Nagulat si Ava ng makita ang mga kotse sa garahe.
"What's the occasion?"
"Get together lang dahil nakabalik na kayo from Hongkong. " Hindi satisfied si Ava sa sagot ko. There's more to explain because a lot of us are really expecting that she will say yes to Lee's marriage proposal. Hindi yata alam ni Sullivan na hindi natuloy ang kasal.
"Congrats, Bayaw.. Ava..." Sabay kamay sa dalawa ng lumapit silang pareho. Nakaakbay pa naman si Lee kay Ava at si Leeah ay nagmano sa kanyang mga tita at tito. Napatingin si Ava kay Lee.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...