DEMON'S WISH

90 5 0
                                    

KAI'S POV



Hindi ako nagpahalata kay Eve. Kitang kita kong magkasama sina Lee at Ava. May kasama silang isang batang babae. Maganda ang bata, kamukhang kamukha ni Lee. Hinding hindi mo maitatanggi. Nakakainggit! Kung natuloy ang kasal namin ni Danica, tiyak na mayroon na rin kaming anak. Mas matanda ng limang taon sa batang iyon.Siguro ay 12 years old na rin ang batang iyon.



Mahal na mahal ko si Danica. Kung alam lang niya. Pero ang lahat ay nauwi sa isang trahedya. Hindi ko makalimutan iyon. Nakatatak pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari.



Na-curious akong bigla kung paano nabuntis si Ava noong kanyang kabataan. Imagine mong iwan niya ang bata sa gate ng mansion para mangibang bansa at isang araw, nag-enrol sa Police Academy at nagpakilala bilang ina ng bata. Magandang kuwento ngunit sa tingin ko ay may butas ang kuwentong iyon. Hindi ako maniniwala na sa ganoong mga klaseng alibi. May mas malalim na dahilan at tiyak na may kinalaman ang buong pamilya ni Lee. Imposibleng hindi niya alam na anak niya ang bata. Bakit inangkin niya kaagad ang custody nito at pinabinyagan sa kanyang pangalan? Puwedeng maging Lorenzo ang bata na magulang niya ang nakapirma sa kanyang birth certificate. Bakit niya pipirmahan ang paternal consent nito? May inililihim ang pamilya kay Eve. Hindi ko alam kung naisip din ba iyon ni Eve.



At si Eve, aminadong hindi niya gustong magkaanak na taliwas din sa aking kagustuhan. Gustong gusto kong magkaroon ng mga anak. Hindi ko lang kayang iwan si Eve dahil masyado siyang mahina pagdating sa lalaki.



Palagi siyang nakadepende sa lalaki. Para bang ako lang ang kanyang sandigan. Mawawala siya kapag nahiwalay sa akin. Hindi namin siya pinag-awayan ni Danica noon dahil lihim din ang aming relasyon.



Masyadong mainitin ang ulo ni Eve ngayon at palagi niyang pinakikialaman ang baril ko. Naba-bad trip ako sa kanya dahil masyado na siyang pasaway at matigas ang ulo. Hindi na niya ako pinakikinggan at lumalabas ang kanyang pagiging brat.



Sa sobrang inis ko noong isang beses na inaway niya ako, hindi ko siya sinipot ng isang linggo. Nagmamakaawa naman siya at nangakong hindi na magiging selosa . Palagi kasi niya akong iniinis tungkol kay Ava.



Kasi naman nakakatulala ang kagandahan ni Ava. Hindi ko ikakaila...para kaming may espesyal na koneksyon ni Ava na hindi ko alam kung ano.



Hindi ko lang maisip kung ano.



Hindi ako nagpahalata kay Eve. Nakita ko sina Lee at Ava . Mukhang sa Hongkong din ang punta nila. Ah siguro mamamasyal sila sa Hongkong Disneyland. Ang mga bata talaga mahilig kina Mickey Mouse at Donald Duck, sa mga Princess at Prince kaya pati buhay nila, feeling nila ay parang fairytale din.



Hay, sayang talaga. Ganito rin siguro ang magiging buhay namin ni Danica...



Pag-uwi namin, inaway na naman ako ni Eve. Kadarating lang namin galing ng Hongkong mula sa isang business meeting si Ava na naman ang bukang bibig niya. Tiyak na nakita din niya si Ava. Hindi lang niya ako tinatanong pero todo selos na kaagad siya. Baka nga pati yung pagpunta ko sa presinto ay nalaman na rin niya. Kilala niya ako at alam niya kung paano ako magalit kaya siguro hindi lang niya ako kinukompronta.



Lately nagkakaroon siya ng interes sa paghawak ng baril. Noong una, patanung-tanong pa siya pero nito lang ay nakita kong hawak-hawak na niya ang baril ko.



Iniiwan ko pa naman ang baril na iyon sa cabinet niya. Mukhang delikado iyon dito. Sa paraan ng paghawak niya, alam kong marunong siyang humawak at umasinta.



Hindi ko alam kung ano ang balak niya. ngayon lang naman kasi siya kumilos ng ganito kapraning ng dahil lang lahat kay Ava.



Walang duda. Si Ava ang nakikita niyang malaking karibal sa akin. At tulad kay Danica, alam kong may masamang balak na naman siya.



Gusto kong makilala ng lubusan si Ava. Pinindot ko ang isang pamilyar na numero. Lahat ng kanyang kilos ay magiging lihim kay Eve. Hindi niya dapat malaman ang kaliit-liitang detalye ng aking ginagawang pag-iimbestiga kay Ava at kay Lee.



Kumbakit ako umabot sa puntong iyon... hindi ko alam. Kung maganda si Eve, may pang-akit si Ava. Kung may atraksyon kay Eve, kay kuryente kay Ava. Kung malagkit tumingin si Eve, may gayuma ang kay Ava daig ang sampung beses na turok ng droga, mas heaven at hell ang pakiramdam.



Ava, Ava,anong ginawa mo sa akin?



Magiging akin ka....


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon