LEE'S POV
Kinabukasan, tahimik kaming lahat sa hapag-kainan. Maaga akong gumising dahil may klase ako pero wala si Mama. Mukhang nagtatampo siya. Hindi niya ako iniimikan at hindi rin siya sumasabay sa pagkain. First time kong makitang nagtatampo si Mama. Hindi ko alam kumbakit.
"Hayaan mo na lang muna ang mama mo. Minsan ganyan talaga kapag tumatanda na."
"May nagawa ba akong mali? Gusto ko lang bigyan ng mommy si Leeah."
"Kung sa tingin mo, iyan ang makabubuti para sai pamilya mo, then do it.
Nasa kotse na ako pero lalong hindi ko mapaniwalaan ang sinabi ni Mama.
"Kung mag-aasawa ka, iiwan mo dito si Leeah. Hindi mo siya isasama. Hindi mo siya dapat ipagkatiwala sa iba."
"Mama..."
"Go ahead and marry but you are not going to bring her and live with your wife."
"Mama, how could that be possible?"
"Let her stay here. Babalikan siya ng kanyang ina."
"Hindi ko siya ibibigay sa kanyang ina kahit sino pa siya. Wala siyang kuwentang ina. May ina ba na iiwan na lang ng basta ang kanyang anak sa kung kani-kaninong gate? Matapos nating siyang palakihin ay kukunin niya ng ganoon na lang.NO...That won't happened."
Noong una nagtaka na rin ako ng gawin niya akong daddy para kay Leeah. Ngayon, sinasabi ni Mama na babalikan si Leeah dito ng kanyang mommy. Bakit kilala ba ni Mama kung sino ang mommy ni Leeah?
Nakakapagtaka talaga ang mga ikinikilos niya ngayon.
Tuliro ako ng umagang iyon. Nag-drive ako na parang wala sa sarili. Iritable tuloy ako hanggang sa klase. Pero ng tawagan ako ni Eve during lunch, saak umaliwalas ang pakiramdam ko.
"Bakit ngayon ka lang tumawag?"
"Got a lot of patients."
"Kumain ka na ba?"
"Kakain pa lang. How about you?"
"Kakain pa lang."
"Sige kain ka muna then I'll come and see you."
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...