INSTINCT

128 10 0
                                    

LEMUELA'S POV



Oo, kitang kita kong himbing na himbing na natutulog si Lee at ang baby sa kanyang tabi. Hindi naman siya malikot matulog. Pareho silang behave matulog. Nang makita ko ang style nilang matulog ng gabing iyon, bigla akong napaiyak. May kung ano ang naglalaro sa aking isipan.



"Hmm, bakit na naman?" Bukas ang ilaw ng oras na iyon.


"Justice, tingnan mo silang dalawa. Pareho ang mannerisms nila sa kanilang sleeping habit. Look!" Nakahawak ang kanang kamay nila sa kanilang pisngi habang natutulog na parang si Pres. Digong lang sa tv.


"Nagkataon lang...Ano bang iniisip mo?"


"Do you see any resemblance on them?" Tinitigan din ni Justice pero binabalewala niya ang mga obserbasyon ko. Kasi feeling niya, napa-paranoid na ako.


"Alam mo, antok ka lang...Kunin mo na ang bata at matulog na tayo. Bukas , ipapamili natin ng gamit ang bata. Hay, akala ko pa naman graduate na ako sa pag-aalaga ng bata. We're back to basics..."


"Sus, nagsalita naman ito. Kailan ka ba nag-alaga ng baby? Ginawa mo lang akong inahin dito sa mansion."


"Bakit? Ano bang tingin mo sa akin bulugang baboy?" Kung makareklamo kasi parang nag-alaga ng baby eh samantalang kami naman nina Nanay ang nagpupuyat tuwing may operation sila. Nakakainis lang!



Itinabi namin ang bata sa kama namin dahil malaki iyon. Pansamantala naming itinabi sa pader ang kama upang may harang ito sa bata. Magkatabi pa rin kami ni Justice at katabi ko si Baby Leeah. Coincidence lang din ba na Leeah Marie ang pangalan ng bata at December 25 ito ipinanganak?



Bigla kong naalala si Danica. Inalala ko kung kailan nga ba kami nagpunta ng Blue Waters Resort sa Batangas at kung kailan naganap ang malagim na krimen na iyon. Halos tatlong linggo matapos noon, ginulat na lang kami ng isang masamang balita na patay na si Danica at kinuha na ang bangkay niya sa ospital. Ni walang makapagsabi kong saang punerarya ito dinala at kung anong ambulansiya ang sumundo dito.



Nakita naman sa CCTV ang paglabas sa bangkay niya sa mismong ICU ngunit hindi namin mahagilap ang lalaking nasa CCTV na naglabas sa kanya. Pati ang kanyang yaya ay wala din. May loop-holes ang records pati ang waiver at release forms ng bangkay pero pinirmahan ng management na authentic iyon at dumaan sa proseso . Kahina-hinala lang ang mga pirma doon. At malaki ang pagdududa ko dito kay Mira.



So ,hindi man lang kami nakipaglamay kay Danica. Posibleng itinago ang kanyang bangkay upang hindi pagpiyestahan ng media. Sa bangkay pa lang ng kapatid niya, posibleng ganoon din ang kanyang hitsura o mas matindi pa. Puwedeng makaagaw pansin ito dahil siya na lang ang sole survivor ng krimeng magdidiin sa labindalawang binata na inakusahang lumapastangan sa kanilang pagkababae at pagkamatay ng kanilang mga magulang.



Ipinasuri na rin namin si Baby Leeah sa isang pediatrician upang mas maalagaan ang kanyang kalusugan. Hindi namin siya inaangking sa amin talaga. Kahit anumang oras ay puwede siyang balikan ng kanyang ina. Magkaganoon pa man ay hindi namin ipagkakait ang bata. Mayroon siyang birthmark sa kanyang gulugod. Malaking balat ito na nakamarka sa kanyang likuran. At si Lee lang ang mayroon ng ganoong klase ng balat.



Hindi na ako nagdalawang isip na ipakuha ang DNA Test ng dalawa bago ko sabihin ang lahat kay Lee. Kailangan naming malaman sa lalong madaling panahon kung sino ang batang iyon upang hindi siya angkinin ng sinumang magpupunta doon.



Hindi na namin siya inabala. Hindi ko din sinabi sa kanya ang mga sapantaha ko sa bata. Ayokong pagtawanan din niya ako na napa-praning. Bumalik ulit siya sa pagtuturo. Hindi na kami tumutol basta sa tingin niya ay makakabuti sa kanya upang makalimot pansamantala at maging abala. Si Mira lang ang madalas magpunta dito sa bahay at panay ang kulong nila sa kuwarto.



Hindi ko pa siya nakokompronta pero may araw din sila.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon