ENFIN

384 8 2
                                    


3RD PERSON'S POV



Umuwi si Ava at Leeah ng araw na iyon upang magpahinga. Araw-araw din silang nagpabalik-balik ng hospital at pinagtutulungan ang pag-aalaga kay Lee. According to diagnosis, Lee is suffering a psychological trauma right now. Which means ang paggising niya ngayon ay kanyang sariling desisyon. Masyado daw depressed ang pasyente na parang ayaw na niyang imulat ang kanyang mga mata. Nadagdagan pa ito ng pagsi-self-pity dahil sa drogang itinurok sa kanya.



"Sis, huwag mong lunurin ang sarili mo sa alak. Gigising din 'yon si Kuya. Alam mo namang masyadong dramatic ang kuya ko kahit kalalaki niyang tao. Ano ka ba? Hindi ka na sanay sa biro noon sa'yo? Gusto ka lang niyang pakabahin?"


"Jazzy, paano kung hindi na pala gigising ang kuya mo?"


"Hindi naman mabait si Kuya para kunin na ni Lord. Have Faith. Mahal ka ni Lord. Hindi niya babawiin kaagad sa iyo si Kuya. When he woke up, marry him and he'll be ready to die..."


"Jazzy naman eh..." Sabay iyak ni Ava.


"JOwk! Jowk!Jowk! Smile, Sis. Pray that Kuya will continue to recover. He'll come back to his senses, hindi ka niya iiwan. Tama na ang inom. Masyado ka nang tomadera."


"Sige, isang shot na lang , matutulog na ako." Biglang nag-ring ang cellphone ko.


"Ava, come here tomorrow morning. Bring Leeah with you... Lee just woke up. He's looking for both of you."



Umalis si Ava ng gabing iyon. Nagpunta siya sa simbahan kung saan sila nagkita noon ni Lee. Sarado na ang simbahan ngunit bukas ang Adoration Chapel nito. Hangos siyang pumasok sa loob at nagpatirapa sa harap ng altar.



"Diyos ko, salamat sa himala po ninyo ngayong gabi. Batid ninyo na mahal ko siya. At ang kaligtasan niya ang hiling ko sa inyo ngayon. Salamat po ang gising na siya.Salamat, Lord." Iyak ng iyak si Ava habang nakasubsob sa semento.



Nagmadali din siyang umuwi sa bahay ngunit kasabay ng pagbukas ng ilaw ay ang pagbukas ng pinto sa kusina. Nahulog an nila ang itim na helmet. Nanlaki ang mga mata ni Ava. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita ngayon. Napatakbo siya papalapit sa isang babaeng halos kasing haba ng kanyang alunang buhok. At ang kanyang suot ng black driving suit and boots , ang kanyang katawan ay hindi nalalayo sa kanya.



Mabilis siyang tinalikuran ng babae ngunit nagmadali rin siya.



"Valerie... Valerie, is that you?" Napahinto ang babae. Hindi siya makaimik ngunit biglang umuga ang kanyang mga balikat. "Bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit mo ito ginagawa?"


"ATE..." Nanginginig ang kanyang mga kamay. Unti-unti siyang napaluhod sa kanyang kinatatayuan. "Ate, hindi ko sinasadya..." Nagpuyos ang aking damdamin at kinuwelyuhan ko siya. Itinayo ko siya. Nagpanting ang tenga ko sa sagot niya.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon