LEMUELA'S POV
Hindi ko inaasahan ang gabing dadalhin ni Lee ang kanyang girlfriend. Mukhang natuto din siyang manligaw at nakapagpasagot ng babae through his own effort.
Hindi ko rin inaasahan ang magiging reaksyon ni Leeah. Sa edad niyang iyon ay nagawa niyang magtampo sa kanyang daddy. Nararamdaman kasi niya ang sitwasyon.
"Lemuela, bakit ka na naman tahimik?"
"Should we tell him?"
"Lemuela..."
"There is no way that Leeah could have another mommy aside from Danica."
"Lemuela, hindi tayo sigurado kung si Danica nga ang ina ni Leeah Marie."
"Justice, may paraan pa ba to get Danica's tissue sample o blood sample maybe."
Niyakap ako ni Justice. Masyado akong desperado sa sitwasyon. Posible ngang pakasalan ni Lee si Eve. Disente naman siyang babae at mukhang in-love na ulit ang aking anak.
"Hayaan na natin si Lee...He deserved to be happy."
"Justice, paano na si Danica? Paano kung bawiin niya si Leeah sa atin balang araw?"
"Sssshhhh! Hindi natin puwedeng ilayo si Leeah sa tunay niyang ina. Kung si Danica talaga ang tunay niyang ina, may dahilan ang lahat."
"Justice...."
"Lemuela, tahan na. Ipagpasa-Diyos na lang natin ang lahat. "
Hindi ako kumain ng hapunan. Dinalhan ako ni Justice ng pagkain sa loob ng aking kuwarto.
"Mahal na reyna, kumain na po kayo. Huwag po kayong magpagutom."
"Hindi ka pa rin nagbabago."
"I bring justice to people, Lemuela."
Nagulat ako ng biglang pumasok si Leeah.
"Lola are you sick." Sumampa siya sa kama at sinalat ng kanyang maliliit na kamay ang aking noo.
"Lola is not sick, Honey."
"Why don't you come down are play with me?"
"Lola needs to rest, Leeah." Pero niyakap niya ako at hindi na siya doon umalis. Dumedede ng gatas si Leeah ng pumasok si Lee sa kuwarto ko.
"Mama..." Sinilip niya si Leeah.
"Daddy" Yumakap siya sa kanyang ama. Kamukhang kamukha nga siya ni Lee. Pero ang mga mata ay kuha kay Danica. "Daddy is going to work. Good girl ka dito kay Lola ha!"
"Yes, Daddy..."
"Mama, aalis na po ako." Hindi ako umimik sa kanya. Aalis na sana siya pero bigla siyang huminto sa pinto. "Mama, hindi ko pa rin nakakalimutan si Danica. Gusto ko lang mabigyan ng ina si Leeah."
"Kung mag-aasawa ka, iiwan mo dito si Leeah. Hindi mo siya isasama. Hindi mo siya dapat ipagkatiwala sa iba."
"Mama..."
"Go ahead and marry but you are not going to bring her and live with your wife."
"Mama, how could that be possible?"
"Let her stay here. Babalikan siya ng kanyang ina."
"Hindi ko siya ibibigay sa kanyang ina kahit sino pa siya. Wala siyang kuwentang ina. May ina ba na iiwan na lang ng basta ang kanyang anak sa kung kani-kaninong gate? Matapos nating siyang palakihin ay kukunin niya ng ganoon na lang.NO...That won't happened."
Tinalikuran ako ni Lee. Akala ko didiretso na siya pero bumalik siya at humalik sa akin. Pinahid niya ang luha ko.
"I love you , Mama." nakatingin lang sa amin si Leeah. Humalik sa akin ang bata. Niyakap ako.
Kung puwede ko lang sabihing anak niya si Leeah, magkakaroon siya ng pag-asang buhay pa si Danica.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...