KILL HER

147 5 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Bumalik na sa bahay si Ava na siya ngayong puntirya ni Eve. Siya na ang pinamanmanan ng babae. Hindi talaga nila matityiempuhan si Lee dahil alam niya ang panlilinlang na puwedeng gawin ni Eve. Puwede niyang gamitin ang kanyang pera upang makagawa ng paraan upang pamanmanan siya o kaya si Ava. Hired Killer na ang kinontrata ni Eve para ipatumba si Ava.



"Ma'am, mahirap hulihin si Sir. Imbestigador po iyon eh!"


"Dapat nga alam na ninyo ang tactic niya, napaglalalangan pa kayo ng unggoy na iyon!" sabi niya.


"Sige, si Ava na lang...Siya na lang ang manmanan ninyo at kapag natyiempuhan ninyo, alam na ninyo ang gagawin ninyo."



Samantala, ilang araw ding nagpabalik-balik si Lee sa HallyuTowers. Nakita niyang pinalitan ni Eve ng bagong salamin ang wedding picture nila. Ipinaghain siya ni Yaya Helen kaya napilitan siyang kumain.



"Sir... hindi na po ba kayo babalik dito." Tanong ng matanda. Nag-aalangan pa siyang sumagot. Pero nakita niyang hindi mapakali ang kamay ng babae. Alam niyang kinakabahan ang kanyang kausap.


"Diretsahin mo ako , Yaya Helen. Anong problema? Makikinig ako..."


"Sir, kasi bumalik dito 'yong demonyo... este 'yong lalaking palaging pumupunta dito kahit noong dalaga pa si Ma'am..."


"Ano pong pangalan?"


"Eh Sir... natatakot po ako."


"Eh bakit pa po ninyo sinasabi sa akin?"


"Kasi , Sir... matagal na panahon ding hindi ko nakita ang lalaking iyon. Sa pakiwari ko eh, nagtago dahil napagbintangang sangkot sa isang krimen. Naku, kapag naaalala ko ang nangyaring iyon, kinikilabutan ako."


"Tungkol ba sa MURDER and RAPE CASE ng pamilyang Mayers..." Napahinto sa pagkain si Lee. Hula lang naman niya iyon . Iyon lang naman ang naiisip niyang insidente na kakilakilabot talaga.


"Naku, sir . OO. Pinakaabangan ko talaga ang kasong iyon kaya lang nadismaya ako ng biglang ma-dismiss ang kaso pati testimonya ni Madame Whitney at Butler Drexel , nabalewala. Tapos akala ko magsu-survive si Danica biglang namatay din pala. Hay nakakatakot po talaga! "


"O anong tungko doon sa demonyo?"


"Ehek! Demonyo... Ay OO sir, kasi 'yong demonyong iyon eh pagkapogi-pogi naman pero madalas siya dito ngayon. Sir, natatakot po ako kapag nandito sila ni Ma'am Eve." Naibato niya ang baso sa pader. "Hay naku, iyan nga ba ang sinasabi ko eh. Napakatsismosa ko kasi... Ay Sir... " Nanginginig ang babae.


"Paano ninyo mapapatunayan na nagpupunta dito ang lalaking iyon?"


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon