MAN'S INSTINCT

134 6 0
                                    

LEE'S POV



Ako ang tipo ng tao ng hindi madaling maniwala sa sabi-sabi hangga't walang nakikitang ebidensiya. Malay ko ba kung totoong nagloloko si Eve. Para kasing napakaimposible. Minsan kung sino pa ang mga aral o edukado, sila ang nakakagawa ng kalokohan. Inaamin ko naman pati rin ako. Pero si Ava ay isang pagsubok na pinipilit kong paglabanan. Maraming beses akong pinagsabihang iwasan ko siya. OO, kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay may nangyari sa aming dalawa. Nabuntis ko siya at ako din ang naging dahilan kumbakit nawala ang batang iyon sa amin. Inadya na rin ng Diyos na hindi siya ipanganak sa mundo dahil baka isipin ni Ava, siya ay bunga ng pagkakasala... pero alam namin ni Danica na mahal na mahal namin ang isa't isa, dangan nga lamang at hindi na namin madurugtungan ang aming nakaraan dahil nakatakda na ako noong ikasal kay Eve. Itinuloy ko pa rin kahit alam kong hindi magwo-work ang aming relationship dahil naging matigas ang puso naming pareho ni Eve. May kanya- kanya kaming motibo at maling dahilan ang nagdala sa amin ng ganitong kamalasan. Naging pabigat ang isa't isa sa aming dalawa dahil na rin sa napakalaki ng aming pagkakaiba sa mga prinsipyo sa buhay.



Mahirap kalabanin ang kalooban lalo na kung ayaw mo na talaga. Wala na kaming choice pero iiwasan namin na masaktan ang isa't isa kahit alam naming walang pagmamahal ang nag-uugnay sa aming kasal.




"Please naman, miss na miss ko na si Leeah...Kahit ngayon lang... Please." Nagmakaawa pa siya. Na-miss ko ang boses niya. In fairness , marunong siyang makiusap ngayon. Di tulad dati, matapang pa siya sa tigre. "Ako ba? Na-miss mo..."


"Hindi..."


"Oo na, sige. Basta iuwi mo kaagad si Leeah pagbalik ko."


"Sir Yes Sir" Dinig ko ang boses niya . Masayang masaya niyang ibinaba ang telepono. Pero hindi ko inasahan ang aking nadatnan, nakasalubong ko sina Mama paalis ng mansion. Tinawagan daw sila ni Jazzy, may nangyari sa bahay ni Ava. Kinilabutan ako dahil kasama niya si Leeah. Mukhang kinarma kaagad ako at ang mag-ina ko ang binawian nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita kong buhat –buhat ni Simeon si Ava. Duguan ang kanyang balikat at ang kanyang hita. Tumutulo ang dugo sa kanyang talampakan.


"Anong nangyari? Ava... Ava..." Pero mas kinabahan ako. Nasaan si Leeah? Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong buhat –buhat siya ni Sgt. Ivan Gomez. Iyak siya ng iyak habang nakasubsob sa balikat ng lalaki. Hinahanap niya si Ava. Nakita daw siya sa loob ng cabinet . Sinira nila ang pinto dahil naka-lock ito. Naalala ko si Mama sa kanya, inuna niya ang kaligtasan namin bago niya hinarap ang mga kalaban. Isang 9mm lang ang dala ni Mama. Hindi niya inaksaya ang bawat bala, lahat ng tamaan ay walang buhay na bumagsak. At ngayon... Diyos ko po...Kinuha namin ang automatic pistol na ginamit ni Ava.



Nagkalat ang dugo sa sahig. Wasak ang bintana at lahat ng salamin sa unang palapag. Talagang masusugatan si Ava sa paa dahil hindi siya marunong gumamit ng bedroom slipper kapag nasa sarili siyang bahay. At ang damit niya, isa siyang tunay na seductress kahit duguan na siya at walang malay. Nasa malayo pa lang ako at nakitang hawak siya ni Simeon ay galit na galit na ako dahil tinititigan ng iba ang kanyang kabuuan. Alam ko kung paano tumingin ng may malisya at wala. Sa lahat ng pulis na reresponde, si Simeon pa. Mukhang manliligaw na ang binata sa kanya. Nakita ko naman na seryoso siya maliban noong malaman niyang may anak si Ava. Noon lang siya naniwala sa mga sinasabi nito.



Kinabukasan, nasa ospital din siya kaagad. May bulaklak at prutas siyang dala, samantalang ako, nganga. Tapos inaway ko pa siya pagkagising niya. Papatayin ako ng sarili kong pagseselos. Nakakainis pa naman ang ganitong pakiramdam at kahit kailan ay hindi ako naging ganito sa kanya kahit noong siya pa si Danica.


THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon