LEE'S POV
Buong maghapon naman kaming nag-stay sa loob ng hotel. Ni walang kumilos sa amin para magyayang lumabas at mamasyal. Ginising lang ni Ava si Leeah para pakainin . Matapos nito ay nakatulog ulit ang bata kaya tinabihan niya itong matulog.
Tumawag si Mama. Tinatanong kung tuloy daw ba? Ah, kung tuloy ba ang kasal namin. Napakaganda ng sikat ng araw ng umagang iyon pero hindi kasingganda ng pakiramdam ko dahil sa pagtanggi ni Ava sa marriage proposal ko. Kinuha ko sa drawer ng sidetable ang mga papeles. Nahirapan nga akong kunin ang mga dokumentong iyon. Kinailangan ko pang puntahan si Eve at ang mga magulang niya. Pero abogado na lang nila ang nakausap ko. Malaking halaga ang ibinayad ko doon para lang sa legal na dokumento na katunayan na annulled na ang kasal namin ni Eve. Dito ko napatunayan na makapangyarihan ang pera. Madami itong kayang gawin. Kaya nitong pakilusin ang isang tao na nasa mataas na posisyon upang umayon sa iyong kagustuhan. Kaya nitong impluwensiyahan ang isang desisyon na kung tutuusin ay dumadaan ng mahabang panahon sa isang ordinaryong tao, kahit may pera pero hindi kasingyaman ng mga Hilario. Kaya nila iyong gawin dahil gusto nilang pagtakpan ang kahihiyan ni Eve at dahil nahihiya sila sa aking mga magulang. Wala namang basehan ang bintang ni Eve na nakikiapid ako. Ako ang may ebidensiya na nakikiapid siya kay Kai. Kapalit ng dokumentong iyon at ng aking paglaya ang secret files at CCTV footages ng pagkikita at pagtatalik nila sa condominium. May isang kasunduan akong pinirmahan na katunayang iyon ang mga orihinal na kopya at hindi ko iyon magagamit upang i-black mail pa si Eve. Kapag nakalabas ang mga kuhang iyon sa kabila ng naibigay kong kopya sa kanila, walang duda na ako ang lumabag sa kasunduan.
Isinangguni ko ang lahat kina Mama at Papa kaya nakuha ko ang basbas nila. Masaya sila ng masuri ng aming abogado na authenticate ang lahat ng pirma at valid ang dokumento. Tinulungan na rin ako ni Papa na makakuha ng permiso mula sa opisina nang katunayan na ako ay malaya na sa aking unang kasal bagamat ang kasal namin ni Eve sa simbahan ay isang hiwalay na usapin kung moralidad ang pag-uusapan.
"Mama, ayaw ni Ava. Hindi siya pumayag na magpakasal sa akin. Hindi ko alam. " Bigla akong napatayo sa kama. Lumabas ako ng kuwarto at nakitang tulog na tulog ang mag-ina. Dumoble ang lungkot ko. " Tulog po sila ngayon, pagud na pagod kahapon ang apo ninyo sa pamamasyal sa buong parke. Hay, pinakain lang ni Ava kanina si Leeah pero natulog ulit sila. Dito muna kami sa hotel. Baka bukas, mamasyal ulit kami."
"Ha! Paano po nangyari iyon? " Nagulat ako sa sa sinabi ni Papa. Si Papa naman ang kausap ko. "Maskrider Black strikes again" sabi niya sa akin. "Kaya huwag mong pagdudahan si Ava. Mukhang may gumagaya sa kanya sabi nina Jhopet at Jino. Maging sina Gaspar at Ivan ay hindi makapaniwala. Kitang kita nila ang kilos ng salarin. Nakasagupa nila ito. "
"May nabiktima po ba?" Iyon ang pinakamasaklap sa lahat. " Apat ang pinatay; sina Lay, Luhan, Tao at Chen. Pinalabas pang extra judicial killing ang nangyari dahil nasa pot session ang mga biktima. May mga nakapasak na 50g ng plastic ng shabu sa mga bibig nila. Nilagyan pa ng karatola na "HUWAG TULARAN. MGA ADIK KAMI..." At hindi nakuntento ang killer, pinutol niya ang ari ng mga lalaki, ang utong at nilagyan niya ng malaking ekis sa likod ang mga biktima. Isang napakagaling na taktika. Kapag nalaman iyon ni Ava, tiyak na hindi na niya palalampasin ang mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mistério / SuspenseHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...