LOVING CONFRONTATION

117 3 0
                                    

LEE'S POV



Nagpapahangin ako sa harapan ng pintuan ng mansion, iniisip ko ang mga sinabi ni Gaspar sa akin. Mukhang pati sa presinto ay gumagawa ng ingay si Ava. Hindi lang ingay...away pa. Talagang sinumbatan niya si Gaspar sa mabagal na pag-follow up sa mga kaso pati ang kaso niya na dati naming inaasikaso ay inungkat din niya. Lalong higit na masama ang loob niya dahil sa follow up ng kaso ng kanyang killer habang pati si Simeon at ako ay nadamay.



Nagulat ako ng may papadating na motor. Bumaba si Ava habang nakasuot ng full black driving suit. Tinanggal niya ang kanyang helmet.



"Good evening , Sir. Pasensiya na, medyo gabi na po pero gusto ko lang silipin si Leeah bago umuwi."



Hinila ko ang braso ni Ava at amoy alak siya. Halata sa kilos niya kaya nilapitan ko siya.



"Uminom ka na naman. At anglakas ng loob mong magdrive ng lasing..." Wala siyang pakialam . Dumiretso siya sa loob. Mabilis siyang nakaakyat at nakita kong nagbukas siya ng ilaw sa loob ng kuwarto. Ilang saglit lang ay pinatay nan iya ito atsaka dali-daling bumaba.


"Ava, mag-usap tayo..." Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso.


"Anong pag-uusapan natin?" Astang siga siyang humarap sa akin.


"Puwede bang itikom mo ang bibig mo kapag nasa opisina ka? At huwag mong sinusubukan ang kakayahan ng mga imbestigador sa presinto besides nasa iisang departamento na kayo."


"Bakit nasasaktan ka din ba? Kasi ngayon ko napatunayan na ang mga sinabi mo sa klase mo noon eh medyo may halong kayabangan." Inismiran niya ako. Never naman akong nagyabang. Ang mga sinabi ko ay base sa aking karanasan at iba ang karanasan nina Gaspar.


"Ava..."


"Sige... instinct ba kamo? Nasaan ang instinct mo? NASAAN ANG INSTINCT MO? Hinihintay ko na gamitin mo sa akin ang instinct mo noong mga panahong magkasama tayo. Hindi mo ba nararamdaman na ako ito. Sa Web Crawl pa lang, alam mo kung gaano ako katakot sa pesteng ...hanggang ngayon umuuga ... Ipagiba mo na 'yan... Hinayaan mo ako. Iniwan mo ako tapos pangangakuan mo ako ng singsing. Bakit? Nawalan ka na nang bilib sa sarili mo. Imbestigador ka dati di ba? Ang swerte mo nga eh kasi nakapag-asawa ka tapos ako ang reserba. Tapos ngayon , sasabihin mo sa akin na manahimik ako .... Kung hindi naman inutil at kalahati ang departamento ninyo, sana na-solve ninyo ang kaso ko... Nasaan na? Sino ang nagtatangka sa buhay ko? Sino ang pumatay kay Simeon? Sino ang bumaril sa iyo? Nagawa mo pang iharang ang sarili mo na akala mo superhero ka at hindi tinatablan ng bala. Mababago mo ba ang lahat dahil nagpapakabayani ka!"


"Sumusobra ka na! bawiin mo ang mga sinabi mo!" Niyugyog ko siya at akmang sasampalin ko siya.


"Saktan mo ako! Sige, sampalin mo ako. Akala mo ba, higit pa sa sampal ang natanggap ko sa iyo ng sumagot ka kay Eve ng I DO! Akala mo, gusto ko iyon. Akala mo ba totoo sa loob ko nang sabihin ko na gusto kong maging maligaya ka. Hindi ! Masakit nga eh! Akala ko nga kaya ko pero hindi kop ala kaya kasi hanggang ngayon kahit pikit mata rin akong umoo kay Simeon, hindi ka naman niya mapapalitan dito... dito o..." Itinuro niya ang kanyang dibdib." "Napaka-unfair mo!" Kinabog niya ako sa dibdib. "Sana hinayaan mo na lang akong mamatay."

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon