SIMEON'S POV
Pagkatapos ng araw na iyon, halos isang linggo ko siyang hindi nadadatnan sa kanyang bahay. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ako. Palaging busy ang kanyang cellphone. Kung hindi naman ay palaging out of reach. Hindi ko tuloy alam kung lowbat ba talaga, na-snatch ang cp niya o kung ano pa man ang dahilan niya. Hindi ko siya matyiempuhan sa presinto dahil nasa operation din sila.
Sinikap ko talagang abangan siya. Magdadalawang linggo na rin. Walang ni ha, ni ho... Ni hindi ko man lang narinig ang kanyang boses kaya irritable ako. Napansin din iyon ng aking mga kasamahan.
"PO1, masyado namang maiinitin ang ulo mo ngayon..."
"Baka naman hindi lang napagbigyan ni Kumander hahahah" Sarap nilang sapakin. Ginawa pa nila akong katatawannan. Mga buwisit!
"Naku, isang round lang 'yan , Solve kana!" Palibhasa ay may mga asawa na ang aking mga kasamahan kaya iba ang humor nila.
"Si Miss Ava ba ang dahilan?"
"Naku eh abalang abala ang SWAT Team ngayon."
Sumimangot na lang ako. Busy din naman kami ah. Mahirap lang kasi, wala kaming komunikasyon. Iyon lang ang ipinaghihimutok ko.
Wala akong nagawa kundi hintaying dumating ang SWAT Team sa opisina nila. Hindi naman ako nabigo sa paghihintay sa kanila. Isang oras at kalahati din akong naghintay at dumating naman sila. Nakita kong pagud na pagod din siya.
Sa halip na awayin siya ay nagpasensiya pa rin ako. Hindi siya sumakay sa kotse ko. Nagmotor pa rin siya pauwi at convoy kami. Hindi ko lang napigilan ang aking emosyon. Hinawakan ko siya braso ng mahigpit at mukhang nasaktan siya.
"Simeon , ano ba? Nasasaktan ako?" Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
"Iniiwasan mo ba ako? Halos dalawang linggo akong walang balita sa iyo. Nasaan ang cellphone mo?"
"Simeon kasi..."
"Ano? Magsalita ka! Bakit mo ako ginaganito?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
"Huwag na lang nating ituloy ang kasal." Kaya lalong nagpanting ang tenga ko. Para kasing nakakaloko.
"O bakit naman? Anong kasalanan ko, Ava? Dalawang linggo mo akong pinag-alala. Galit na galit ako ngayon pero ..." Bigla akong nagbaba ng boses. Matatalo ako kapag hindi ako nagpakumbaba.
"Simeon..."
"NO, Ava... magpapakasal tayo. Itutuloy natin ang kasal. Sabihin mo sa akin ang problema. Madadaan naman ang lahat sa mabuting usapan. Huwag ganito. Huwag kang padalus-dalos ng desisyon" Nagmatigas pa rin ako.
"Hindi ba padalus – dalso din naman talaga tayo ng pagdedesisyong magpakasal kaagad."
"Ava, natatakot akong maagaw ka ng iba. Ayoko! Hindi ako makapapapayag. Magpakasal na tayo . Sabihin mo sa akin kung ano ang problema."
Mahabang katahimik na ang namagitan sa amin ni Ava. Iyak siya ng iyak. Hindi ko siya niyakap. Hindi ko pinayapa nang kanyang kalooban. Tumayo ako at napabuntunghinigna saka ako lumabas ng pinto . Umalis ako ng di nagpapaalam. Hindi ko siya hinalikan. Hindi ko siya binalikan kahit may nakalimutan akong gawin.
ESPIRITU RESIDENCE
Hindi ko matanggap ang mga sinabi ni Ava. Nagulat talaga ako. Hindi ko inaasahan. Hindi ko kinaya kaya nilunod ko ang aking sarili sa alak ng gabing iyon. Hindi ako nakapasok ng tatlong araw at wala akong narinig na tawag mula sa kanya. Wala siyang miscol at text message sa akin. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang kasal. Hindi ko alam ngayon kung sisiputin ko pa siya.
Ang tatlong araw ay naging linggo hanggang sa hindi ko alam na malapit na pala ang kasal namin.
"Ano bang problema at puro ka inom? Kanina ka pang tinatawagan sa opisina?" Tanong ni Papa. Hindi ako halos makapasok sa trabaho. Lagi akong absent – minded. Hindi kami nagpapasinan sa presinto. Hindi na nga lang umiimik ang mga nakakaalam na ikakasal kami.
"Papa..."
"Ano bang problema, Simeon?'
Tuluyan akong napahagulgol. Isang buwan din kaming hindi nagkita ni Ava pero tutupad pa rin siyang dumalo sa araw ng aming kasal. Kung anuman ang desisyon ko ay tatanggapin niya ng maluwag sa kanyang dibdib.
"Hihintayin kita sa simbahan bukas ngunit aalis ako sa hotel 15 minuto bago ang kasal natin. Itext mo na lang ako kung hindi mo na ako sisiputin. Hindi ako magdaramdam."
Doon ko na –realize na napakabigat ng kondisyon ng pagpapakasal kong ito kay Ava. Masyadong masalimuot ang kanyang nakaraan na dapat kong tanggapin. Kung nakinig ako sa pakiusap niyang huwag munang ituloy ito hanggang sa lubusan naming makilala ang isa't isa, hindi ako masa-shock ng ganito.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
מתח / מותחןHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...