TOO DESPERATE

130 8 0
                                    

MIRA'S POV



Maaga akong dumating sa mansion. 7am daw sila nag-aalmusal. Pagdating ko doon, karga-karga na naman niya ang batang si Leeah. Magandang bata. Napakaputi niyang bata. Masyado siyang malapit kay Lee at Jazzy. Mukhang nakahanap sila nang mapaglilibangan, ang mag-alaga ng bata.



"Kaninong anak ba 'yan?"


"Anak ko nga." Sabi ni Lee. Nakakairita nga.


"Sabi ko anak ko. Pinabinyagan namin siya at ako ang tumayong ama kaya, anak ko siya, gets!" Ang hina ko naman. Nairita kaagad ako sa sinabi niya. Hindi naman niya sinabi kung inampon ba nila o anak ng katulong nila.


"Pamangkin ng katulong namin. Masyado na daw silang madaming anak at ipinaampon na lang ito dahil nabuntis ulit ang nanay niya. Mahirap lang daw sila."



Medyo nananakit pa ang kalamnan ko dahil nagkita kami ni Mike. Inabot kami ng tatlong oras sa motel. Masyado kasi kaming nasabik sa isa't isa. Tapos iinisin lang ako nitong si Lee.



Kinumpronta kami ng mag-asawa.



"Matured na kayong pareho ni Lee. Kung balak ninyong magpakasal..."


"What? Kasal? In your dreams... " Nasaktan ako sa sinabi ni Lee. Kahit ilang beses kong sabihing mahal ko siya, hindi niya ako pinaniniwalaan. Hindi niya ako kayang mahalin.


"Lee naman..."


"Hindi mo mapapalitan si Danica sa puso. Tandaan mo 'yan."



Matindi talaga ang tama ni Lee sa babaeng iyon. Mamatay na lang sana siya at huwag na huwag ng magpapakita.



Hindi ko iyon maisumbat kay Lee dahil magkakabukingan kami. Lalabas na nakitpagsabwatan ako upang makalabas si Danica ng ganoon na lang sa ospital. Na-interview pa nga ako at hindi rin nila ako pinaniwalaan. Highly classified iyon. Hindi puwedeng isiwalat dahil utos iyon ng nakatataas.



Masyado kong naibaba ang sarili ko dahil kay Lee. Kahit may nangyari na sa amin, hindi ko pa rin puwedeng panghawakan iyon upang makuha ko ang puso niya. Lalo pa't aliw na aliw siya ngayon sa batang kanilang inaalagaan dito sa mansion. Feeling niya, tatay na siya.



"Mira, tatapatin kita. Hindi ko nagustuhan ang pagpunta-punta mo dito sa mansion. Hindi ko rin gusto na nagkukulong kayo ni Lee sa kuwarto. Okay, kung iyan ang uso o trending sa panahong ito, wala akong magagawa pero hindi dito sa pamamahay namin. Huwag ninyong gawing motel ang mansion. May panuntunan kami dito. "

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon