SINNER'S HEAVEN

146 4 0
                                    

EVE'S POV



Confident ako na lang kaalam-alam si Lee sa seminar na pupuntahan ko. Tama, sa Cebu ako pupunta and Kai will be there to meet me.



Nagpa-booked si Kai ng 3-day vacation sa Cebu two days after naming makauwi ni Lee galing sa aming honeymoon vacation.



This vacation with Kai is worth waiting for than being with Lee. Hay! Na-bored lang ako sa kanya. Para siyang nagbabawi ng tulog, nakakainis! Sana iniwan ko na lang siya sa Pilipinas. Hindi ko naman pala mai-enjoy ang paglalakwatsa sa iba't ibang lugar sa Europe although nakalabas naman kami pero pahirapan pa talaga. Nagmakaawa pa ako. Anghirap timplahin ng kanyang mood. Kung hindi matutulog, manunuod lang ng tv, kakain, matutulog, iinom ng alak at magwawala. Kung mag-usap man kami, palagi lang kaming nagtatalo sa walang kakuwenta-kuwentang bagay.



Tinawagan ako ni Kai. Nasa terrace ako ng apartelle na tinutuluyan namin.



Hindi niya inaasahang magpapakasal ako sa isang pulis at medyo konti lang naman ang agwat sa akin kaya hindi na iyon big deal sa akin. Nagalit siya sa akin.



"Hindi ka puwedeng magpatali sa kanya. Sa akin ka lang. Ako lang ang magmamahal sa iyo, naiintindihan mo ba?" Tumango lang ako. Na-miss ko si Kai.



Kaya pagdating ko, gumawa ako ng alibi kay Lee para makaalis ng di ako pagdududahang makikipagkita kung kanino. Binura ko lahat ang mga tinanggap kong tawag kay Kai. Seldom naman siyang magtext sa akin kaya walang mahuhuling text message si Lee.



Hindi na ako nagpahatid sa kanya pero sabay kaming umalis sa HallyuTower Parking Area.



Nilubos namin ni Kai ang mga nakaw na sandali namin sa Cebu. Wala akong reklamo kahit magkulong kami sa loob ng hotel. Mas exciting siyang kasama kaysa kay Lee.



Pagkatapos namin sa umaatikabong romansa sa kama, nag-usap kami habang nakatakip ng comforter ang aking hubad na katawan.



"Mabuti naman at pinayagan ka ng magaling mong asawa."


"Wala naman siyang pakialam sa akin. Ni hindi niya ako tinatanong sa trabaho ko at hindi siya mausisang tao..."


"Dahil pinagkakatiwalaan ka niya."


"By the way, bakit hindi ka umimik kanina ng tumawag ako sa iyo?" Nagtaka ako sa sinabi ni Kai. Kailan siya tumawag? Wala naman akong natanggap na tawag mula sa kanya. "Magkatabi ba kayo? Humirit ba ng 1-round bago ka niya payagan?"

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon