WEDDING FOR REAL

122 3 0
                                    

LEE'S POV



Totoong ikakasal na si Ava kay Simeon. Hindi ko akalaing dadating ang araw na ito. Tuluyan na ba talaga kaming magkakalayo? Sino ba ang mag-aakalang ganito ang kahahantungan ng lahat? Sa kabilang ng pagsisikap kong hikayatin siyang hintayin ako at mangako ng walang kasiguruhan, sa bandang huli... hiniling pa rin niya ang kanyang kalayaan.



Iniwan niya ako sa resort. Pagkatapos naming magniig... tila ba palagi kaming humahantong sa ganitong pagpapaalam. Para kaming hinihila sa lugar na ito upang magpaalam pero hindi naman namin kaya. Para lang naming niloloko ang aming mga sarili.



Humabol ako sa biyahe. Makakahabol pa ako sa kasal niya. Ikinukuwento ni Jazzy sa akin habang nasa biyahe ako ang nangyayari sa loob ng mansion hanggang sa samahan na nila si Ava sa Lorenzo Suite. Napailing na lang ako. Tingnan mo nga naman, pareho pa kami ng drama sa araw ng kasal namin.



"Naku, Kuya...Kung makikita mo lang ang iyak niya.Maaawa ka talaga!" Alam ko kasi umiyak din ako kina mama at papa. Madami pa sana siguro siyang ikukuwento kaya lang na-lowbat na ako.



Mabuti na lang at nakapagsabi kaagad ako ng sunduin ako sa terminal ng mga bus sa Alabang na galing sa Batangas. Sinundo ako ni PO1 Nicanor. Bagong pulis sa presinto. Wala kasing available na pulis ng araw na iyon dahil naka-red alert daw sila...



Sa mansion ako tumuloy. .. hindi na ako sumunod sa suite dahil baka kung ano pa ang pumasok na demonyo sa kukote ko at bigla ko pang itakas si Danica. Kasama na rin ni Jazzy si Leeah. Nagmadali akong nagbihis.



Madaming pulis sa lugar. Full-police visibility sa lugar dahil sa kasal nina Ava at Simeon. Tamang tama ang dating ng bridal car ni Ava . Si Papa ang tatayong ama sa kanya. Sa malayo pa lang ay kitang kita ko na ang ganda ng bride sa loob ng kotse. Sana... sa akin na lang siya ikakasal.



Bumaba ba si Ava. Hudyat na magsisimula na ang seremonya. Mas naging abala sa labas. Pumasok na si Ava. Pumasok din ako. Sa pinakagitnang daan, kung saan naka-red carpet ang sahig, dadaan ang bride. Nagsimula siyang maglakad, sinundan ko siya ng hakbang habang nasa kabila ako. Sinabayan ko siya habang nangangarap na sana ako ang lalaking nasa dulo ng altar at naghihintay sa kanya. Pero heto ako, nakikisabay kay Papa, inihahatid ko siya. Kulang na lang, ako ang maghatid sa kanya at ihabilin siya kay Simeon.



Pinipigilan ko ang luha ko sa likod ng itim na salamin na iyon. Ang araw ng kanyang kasal ay katumbas ng kamatayan ko.

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon