AVA'S POV
Ilang araw lang kaming nag-stay sa mansion. Inihatid ko ang dalawa sa garahe. May pasok na ulit. Nakatingin lang sina Mama at Papa habang nakaakbay si Lee sa akin. Sinundan nila kami ng tingin.
"Honey..."
"What?"
Tinitigan lang niya ako. Malungkot siya. Kung may nasi-sense siya, hindi lang niya ma-confirm sa akin kung ano..."Wait for me...I want to see you when I get back..." Pero hindi ako umimik. "Ikaw na ang sumundo kay Leeah."
"Bye, Leeah."
"Bye, Mommy..."
"Bye, Honey..."
"Bye, Lee...." Bigla niya akong tinitigan, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Why do I feel like you are saying goodbye now?"
"Do you think everything is good bye now?" Nangilid kaagad ang luha ni Lee. "Hey, papasok ka sa academy di ba? Ano bang drama mo?"
"Ava...."
"Hmmm....Pasok ka na?
"Parang ayoko ng pumasok. Ihahatid ko na lang si Leeah. Uuwi kaagad ako."
"Lee....don't make things hard for me. Pasok ka na...Bawal ma-late si Prof. Leeam Juz Gonzalez Lorenzo..."Bigla kaming nagkatawan.
"Bakit? Ako na ba ang magpu-push up sa susunod?"
"Malay mo?"
"Baliw!" Hinalikan niya ako pero matagal bago siya huminto.
Mukhang malaking problema nga ito pag-uwi niya bukas. Malamang magwala siya kapag nalaman niyang wala kami ni Leeah. Pagpasok ko mansion, tinawag muna ako nina Mama at Papa.
"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?"
"Papa, Mama..."
"Ginawa ni Lee ang paraan para...." Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Mama. Tumahimik na lang siya. "Anyway, kailan kayo aalis?"
"Mamaya po, Mama, Papa. Pagsundo ko kay Leeah , diretso na kami sa bahay. May naglilinis naman sa bahay araw-araw eh. Papa, may I ask? What do you think will I do to trap someone without that person knowing that he/she is being spied?"
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER
Mystery / ThrillerHindi lang mailap ang hustisya... Mamimili din ito sa tulad naming mga babae. Ngunit hindi ko sila aatrasan... Ang hustisya ang makakamit ko. Ako ang hahatol sa mga umapi sa akin. Ipapakita ko kung gaano kasakit ang mawalan, mamatayan ...