TRYING TO MOVE ON

179 9 1
                                    

JAZZY'S POV



Naging malulungkutin ako sa loob ng klase. Umiiyak ako habang nagkaklase kami dahil naaalala ko si Danica. Wala na akong katabi. Sa tuwing makikita ko ang bakanteng upuan ni Danica, naiiyak ako. Pinagtitinginan na lang nila ako habang tulo ng tulo ang luha ko. Ayoko pa sanang pumasok kaya lang pagagalitan na ako ni Mama. Matagal na akong absent. Wala kasi akong ganang pumasok.



Nagalit ako kay Melvin ng tumabi siya sa akin.


"Umalis ka nga dyan"


"Hindi na ba ito puwedeng upuan"


"Hindi..."


"Alis dyan sabi eh." Itinulak ko siya


"Walang magagawa ang kaiiyak mo."


"Pabayaan mo ako. Wala kang pakialam at hindi mo ako maiintindihan dahil hindi naman kayo close."


"Tama na kasi..."


"Hayaan mo ako hanggang sa maubos ang luha ko. Hanggang sa wala na akong mailuha. Hanggang sa matuyo ang tear glands ko. Bakit ka ba apektado?"


"Kasi mahal kita at ayokong nalulungkot ka. Ayokong palagi kang umiiyak." Nagkaroon ng malakas na kantyawan sa loob ng klase. Nagawa pa nila akong pagkaisahan. Sumubsob ako sa arm desk. Para akong batang bunu-bully ng mga walanghiya kong kaklase.



Sinampal ko si Melvin. Ayokong pinaglalaruan ang damdamin ko lalo't wala na si Danica. Wala na akong kakampi. Wala ng magtatanggol sa akin.



"Totoo ang sinasabi ko, Mahal kita." Niyakap ako ni Melvin . Pinahid niya ang luha ko at hinawakan niya ang aking baba saka nagdikit ang aming mga labi. Pumalag ako pero hindi niya ako binitiwan. Kinagat ko ang labi niya kaya nabitiwan niya ako. At isa pang sampal ang dumapo sa pisngi niya.


"YOU! FUCK YOU!"



Napatawag tuloy kami ng Disciplinary Officer sa nangyari.


"At no ang problema ninyong dalawa para maghalikan kayo sa loob ng klase?"


"Sir, siya po ang nanghalik... Hindi ko po siya hinalikan..."


"Tigil kayo..."


"Sorry Sir. I just got carried away. Iyak kasi siya ng iyak eh. Medyo mahina po ang loob ko sa mga babaeng umiiyak."


"Ano ka babae?"


"Sir naman, umiiyak din po ang mga lalaki."

THE SERIAL KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon